Mayor Isko, paluluwagin ang Divisoria
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
Nangako si Manila City Mayor Isko Moreno na gagawin ang buong makakaya para mapaluwag ang Divisoria na dinadagsa ngayon ng maraming tao para sa mga nais makamura sa kanilang mga Pamasko at mga negosyante na nagre-resell.
“We will put order in our own little and we will reinforce our effort na maglagay ng mga COVID marshall natin at additional enforcement unit para magpaalala, we will continue to remind to really care from themselves,” ayon kay Moreno sa pahayag ng DZMM.
Ngunit inamin ng alkalde na sadyang mahirap na pagbawalan ang tao na mapuno ang Divisoria dahil sa rami ng nais makatipid ngayong Kapaskuhan na pinalala pa ng kawalan ng tao ng gumastos dulot ng pandemya.
“Una, ‘di ko kayo mabibigyan ng garantiya na ‘di mag-overcrowd ang Divi(soria) dahil ang Divi ay puntahan ng mga mamimili hindi lang ng mga batang Maynila,” ayon sa alkalde.
“’Yan ay distributorship, maraming namimili para ibenta rin sa kanilang mga probinsya o lugar,” dagdag pa niya.
Nakagawa naman umano sila ng pagbabago sa Divisoria sa pagpapaluwag sa Recto Avenue at Juan Luna Street sa pagbabawal sa mga vendors doon. Iginiit niya na mananatiling walang obstruksyon sa naturang mga kalsada maging sa Soler Street.
Sa pagpapatupad ng Simbang Gabi, sinabi ni Moreno na wala siyang problema sa mga pinuno ng simbahan na nakikipagtulungan sa kanila ngunit ang inaalala niya ay ang mga tao sa labas ng simbahan kapag napuno na ang itinakdang kapasidad ng simbahan.
Nagpaalala na lamang siya na palagiang sundin ang ‘minimum health standards’ ng pamahalaan kabilang ang palagiang pagsusuot ng face masks at shields, physical distancing at iwasan ang pakikipag-usap lalo na sa mga hindi kakilala. (Gene Adsuara)
-
Ads January 15, 2020
-
PATULOY na pinupunan at dinadagdagan ang listahan ng mga soon-to-be cabinet officials ng administrasyong Marcos.
Sa katunayan, kasama na sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra at retired General Jose Faustino Jr. sa mga magiging miyembro ng gabinete ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos. Sinabi ni incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, itinalaga ni Marcos Jr. si Enrile bilang presidential legal counsel, si Guevarra bilang […]
-
Ads November 12, 2020