• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marc Paolo Javillonar pinapanagot sa pagpisil ng puwet ni Will Allen Gozum

Nag-viral ang video na pinisil ni Marc Paolo Javillonar ng Colegio De San Juan De Letran Knights ang puwit ni presumptive Most Valuable Player Will Allen Gozum ng College of Saint Benilde Blazers sa kanilang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball tournament best-of-3 Finals Game 1 Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

 

 

Sa ulat ng FastBreak.PH Lunes, may 4:47 na lang sa third period, nang mahuli sa kamera si Javilionar, na piniga ang ang puwit ni Gozum na dehins nitong nagustuhan.

 

 

“Kahit sino namang player madidismaya sa ganun. But okay lang, tanggap ko naman na kung ganon siya. Well, so be it, ganon ang character niya. Ganon yata siya pinalaki,” bulalas ni Gozum.

 

 

Mas mabigat naghimutok ang CSB player sa social media kung saan natalo ang Blazers sa Knights, 81-75, at lumapit sa three-peat.

 

 

Isinisigaw naman ng mga netizen at basketball fan sa socmed sa liga papanagutin Javillonar sa ‘di dapat ginagawi ng tulad niyang atleta. (CARD)

Other News
  • GINEBRA BABALIKWAS SA GAME 2 – TENORIO

    SOBRA ang pagkadismaya ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone sa Barangay Ginebra San Miguel na tinambakan ng Meralco 104-91 sa Game 1 ng 46th Philippine Basketball Association 2021-222  Governors Cup best-of-seven Finals nitong Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum.     Hindi na nakapalag ang Gin Kings sa Bolts nang matambakan ng 21 puntos sa laro […]

  • Ads December 9, 2020

  • PDu30, masaya sa maingat at mahinahon na muling pagbubukas sa mga eskuwelahan sa MM

    IKINATUWA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maingat na muling pagbubukas ng klase matapos ang 2-taong suspensyon ng face-to-face classes.   Ang pagsusuot ng face masks at pag-upo sa desks na may nakalagay na plastic screens, may 2,000 mag-aaral ang nagbalik sa 28 eskuwelahan sa National Capital Region bilang bahagi ng trial ng in-person classes. […]