• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAHARLIKA FUND, MAGIGING FLOODGATES OF CORRUPTION

MAGDUDULOT lamang ng katiwalian at maapektuhan ang benepisyo ng mga SSS at GSIS member lalu na ang  pensyon ng senior citizens.

 

 

Ito ang pangamba ni Father Noel Gatchalian, chairman ng Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa panukalang pagsusulong ng House Bill 6398 o Maharlika Investment Fund Act.

 

 

“CWS reiterates its claim that the Maharlika Fund will only open the floodgates of corruption and will further deprive Filipino People of basic social services, as former Bayan Muna Representative Neri Colmenares Pointer out, ang kailangan natin ay dagdag na SSS pension, hindi dagdag ng pagkakataon sa korapsyon,”pahayag ni Father Gatchalian sa Radio Veritas.

 

 

Umaapela naman ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa kongreso na isulong ang batas na magtataas sa sahod ng mga manggagawa sa halip na unahin ang pagsasabatas ng HB 6389.

 

 

Iginiit ni Jerome Adonis, secretary general ng KMU na naghihirap na ang taumbayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin na resulta ng pagtaas ng inflation rate sa 8-porsyento noong Nobyembre.

 

 

“Ang hinihingi namin ay dagdag sahod, hindi dagdag pasakit. Ipasa ang panukalang batas hinggil sa pagtataas ng sahod ng manggagawa, isa na rito ang HB 4898 o ang pagpapatupad ng pambansang minimum na sahod na nakabatay sa umiiral na family living wage (FLW). Pinapaspasan ni Marcos Jr at mga kasabwat na mambabatas ang mandatory ROTC, apprenticeship, at wealth fund, samantala natutulog sa Kongreso ang mga batas na ikabubuti ng mamamayan!,”paglilinaw ng KMU sa Radio Veritas.

 

 

Ang Maharlika Wealth Fund Act ay isinulong ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na pinangangasiwaan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.

 

 

Kapag naisabatas ang panukala, kukunin ang budget nito sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP). GENE ADSUARA

Other News
  • PBBM, ipinag-utos ang pagtatayo ng 11 fish ports sa coastal provinces

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang pagtatayo ng fish ports sa  11 coastal provinces sa bansa para matugunan ang mga hamon na kinahaharap ng mga mangingisdang Filipino.     Binanggit ng Pangulo ang direktiba niyang ito sa isinagawang sectoral meeting, sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Marso 14.     Ipinag-utos ng Pangulo […]

  • Dwayne Johnson and Chris Evans bring humor and heroics in “Red One,” an all-new holiday adventure

    HOLIDAY season excitement is about to skyrocket as Dwayne Johnson and Chris Evans team up in the festive action-comedy Red One, hitting cinemas on November 6.   In this globe-trotting adventure, Johnson stars as the North Pole’s Head of Security, while Evans plays a notorious bounty hunter. Together, they embark on a mission to save […]

  • DMW, DFA at OWWA, sanib-puwersa sa pagpapauwi sa mga OFWs na naipit na sa tumataas na tensyon sa Lebanon

    SANIB-PUWERSA ang Department of Migrant Workers (DMW), Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pag-monitor para tiyakin ang ligtas na pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa tumataas na tensyon sa Lebanon.     Kamakailan lamang ay iniulat ng Migrant Workers Office (MWO) sa Beirut ang pagbomba […]