• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DPWH, DOH hinimok na simulan na ang paghahanda para sa quarantine facilities sa mga rehiyon

Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang DPWH at DOH na ihanda ang mga plano para sa pagtayo ng quarantine facilities sa lahat ng rehiyon sa bansa.

 

Nagpahayag ng kanyang suporta si Rodriguez sa panukalang inihain ni Deputy Speaker LRay Villafuerte para sa establishment ng quarantine facilities sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, sa pagsasabi na mahalaga ito sa panahon ngayon gayong problema pa rin ang COVID-19 pandemic.

 

Karamihan kasi aniya sa mga isolation at treatment facilities sa bansa ay pawang makikita sa Metro Manila.

 

“Since there is now an increase in COVID-19 cases in the provinces, we need these regional quarantine facilities to serve our people in the countryside,” ani Rodriguez.

 

“In Region 10, which includes Cagayan de Oro City, there is a marked increase of Covid-19 patients. Region 10 has no dedicated quarantine building with complete equipment and the required number of trained medical personnel for these kinds of pandemic,” dagdag pa nito.

 

Sinabi ni Rodriguez na dapat handa na sa ngayon ang DPWH sa planong pagtayo ng mga pasilidad na ito, habang ang DOH naman ay dapat na magsimula nang mag-train ng kanilang mga kawani na mamando sa mga establisimyento na ito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Malakanyang, umapela sa mga pork vendors na nakiisa sa pork holiday

    UMAPELA ang Malakanyang sa mga vendors o manininda sa Metro Manila na nakiisa sa “pork holiday” dahil sa pangamba na mabangkarote sa gitna ng ipinatupad na price freeze ng pamahalaan na ipagpatuloy na ang kanilang pagtitinda.   Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang tulong ng pamahalaan ay sapat na para maka-survive ang mga […]

  • ‘Pinas, mananatiling miyembro ng Gavi Covax VaccinE Alliance

    MANANATILING  miyembro ng Gavi Covax VaccinE Alliance ang Pilipinas sa kabila ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi ito magbibigay ng cash advance sa mga western countries para lamang makasiguro ang bansa na makakukuha ng madidiskubreng Covid-19 vaccine.   Sinabi ni Presidential spokesperson  Harry Roque, ipinahihiwatig lamang daw ng  naging pahayag na […]

  • Valdez masaya sa pagkakasama sa national team

    HINDI maitago ni Alyssa Valdez ang saya nito matapos malamang bahagi ito ng national pool na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa Hanoi, Vietnam.     Matatandaang hindi napasama sa lineup si Valdez noong AVC Asian Championship na ginanap sa Thailand noong nakaraang taon.     Kaya naman nang ma­laman ang magandang […]