• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Spy fund walang lusot sa COA, Kongreso

HINDI  umano dapat mangamba na maabuso ang confidential and intelligence funds (CIFs) ng ilang ahensya ng gobyerno dahil dadaan ito sa masusing pagsisiyasat ng Kongreso at Commission on Audit (COA).
Sabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, na ang pagbusisi sa CIFs ay ginagarantiyahan ng batas sa pamamagitan General Appropriations Act (GAA), sa inisyatibo ng Senado at bilang bahagi ng mandato ng Commission on Audit (COA).
Sa ilalim ng GAA, sinabi ng senador na may probisyon na nag-oobliga sa mga ahensyang may CIFs na magsumite ng regular na ulat sa dalawang kapulungan ng Kongreso at sa Pangulo.
Ang mga ahensya at tanggapan na may confidential fund ay obligadong magsumite ng quarterly accomplishment reports sa Pangulo at sa dalawang kapulungan ng Kongreso. Ang intelligence funds ay ire-report din ng quarterly sa tanggapan ng Pangulo.
“There will be periodic meetings of the select oversight committee to assess whether these funds are being used wisely by the agencies involved,” ani Angara.
Nauna nang naghain si Senate President Juan Miguel Zubiri ng Senate Resolution 302 para sa pagbuo ng Select Oversight Committee on Confidential and Intelligence Funds. (Daris Jose)
Other News
  • Ads February 7, 2023

  • Sa rami ng pinagdaanan, naging matatag ang relasyon: RONNIE, ‘di naniniwala sa 7-year itch na kontra sa sinabi ni LOISA

    HINDI naniniwala si Ronnie Alonte sa kasabihang 7-year itch, kontra sa sinabi ng gf niyang si Loisa Andalio.   Sabi ni Ronnie, sa rami ng mga pagsubok na pinagdaanan ng tandem nila ni Loisa, feeling niya ay matinding patunay ang pagiging solid ng relasyon nila up to now.   Kaya naman nakikinig din sila sa […]

  • Australia ‘di bibigyan ng special treatment ang mga tennis players na naka-quarantine

    Tiniyak ng Australian health authorities na walang “special treatment’ sa mga tennis player na naka-quarantine bago ang pagsisimula ng Australian Open.   Sinabi ni Victoria Premier Daniel Andrews, magiging pantay-pantay ang pagtrato nila sa lahat ng mga naka-quarantine.   Ang nasabing hakbang ay para hindi na malabag ang anumang health protocols na ipinapatupad.   Nauna […]