• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wong bumawi agad, todo kaway-ngiti sa Palawan

Iba’t iba ang komento mula ng mga netizen sa viral video na todo ngiti na at pang-Miss U pa ang kaway ni Premier Volleyball League star Deanna Wong habang nakabakasyon sa El Nido, Palawan kasama ang girlfriend na si Ivy Lacsina.

 

 

Isang netizen na nakakita kay Wong ang nagbahagi ng viral video Huwebes kung saan nakasakay ang dalawang volleybelle sa sidecar at kumaway sa nagbi-video sa kanila. Nag-flying kiss pa si Ivy sa mga fan.

 

 

“Wag muna kayong umuwi! Huhu I’m happy to see you na nag-eenjoy lang,” sabi ng uploader ng video na si @beyuhdeI.

 

 

Pambawi ito Deanna sa mga sport fan makaraang mabatikos sa social media sa pang-iisnab kasama ang Choco Mucho teammates sa Boracay sa nakaraan lang na linggo.

 

 

“Ayan may pang Ms. U na wave at hi talagang naenjoy nila ang El Nido unlike sa Boracay na daming bubuyog,” sey ng isang post.

 

 

“Naks bumawi waley I see your true colors,” hirit pa ng isa. (CARD)

Other News
  • Ads November 29, 2021

  • Usad-pagong na pagbangon ng ekonomiya, nagtulak kay PDu30 para sang-ayunan ang hakbang ng IATF

    ANG usad-pagong na economic recovery ng bansa ang dahilan para sang- ayunan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagbubukas ng iba pang mga negosyo simula ngayong araw na ito.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, naiintindihan ni Pangulong Duterte ang sitwasyon at pinag- isipan ng Punong Ehekutibo […]

  • Baon sa lahat ng estudyante, isinusulong

    ISINUSULONG ng isang mambabatas ang paglalaan ng taunang cash assistance na P1,000 sa pre-elementary, P2,000 sa elementary, P3,000 sa junior high school, P4,000 sa senior high school at P5,000 sa mga college students.       Nakapaloob ito sa House Bill 6908 na inihain ni Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.       Ayon sa […]