• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagbigay-pugay kay Hidilyn Diaz

MULI na namang nagpamalas ng natatanging galing ang kauna-unahan nating Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo ng mga gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships na isinagawa sa Bogotá, Colombia.

 

 

“Kaisa ko ang buong bansa sa pagbibigay pugay sa iyo, Hidilyn, sa patuloy mong pagsusumikap upang magsilbing inspiration sa maraming Pilipino, at makapag-uwi ng karangalan para sa ating bayan,” ayon sa kanyang Facebook page.

 

 

Nauna rito, pinuri naman ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Noli Eala si Hidilyn Diaz-Naranjo matapos masungkit ang tatlong gold medal at overall championship sa katatapos na World Weighlifting Championship.

 

 

Sa official na statement ng PSC at Eala sinabi nitong.4“Hidilyn has proven once again that the fire in her heart to be second to none in her field continues to burn and remains the benchmark by which every weightlifter and Filipino athlete must measure themselves against.”

 

 

“The PSC will forever be proud of Hidilyn as the epitome of a great champion and will always provide support in her continuing quest to bring honor to our country. Mabuhay!” dagdag ni Eala.

 

 

Sa kumpetisyon, si Diaz ay nakakuha ng 93 kg sa snatch, 114 kg sa clean and jerk, para sa kabuuang  207 kg., at dinaig sina Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico.

 

 

Magdaragdag ang panalo sa  mailap na world title sa trophy case ni Diaz na kinabibilangan ng mga gintong medalya mula sa Olympics, Asian Games, at Southeast Asian Games.

 

 

Bukod kay Diaz-Naranjo, ang iba pang Filipino weightlifters ay inaasahang maglalaban-laban para sa mga medalya sa world tilt at slots sa 2024 Paris Olympics, kasama sina Tokyo Olympian Elreen Ando, ​​Asian champion Vanessa Sarno, Kristel Macrohon, at Dave Lloyd Pacaldo.

 

 

Inihanda ng PSC ang lahat ng posibleng suporta kay Diaz at sa kanyang koponan sa kanilang paglahok sa kaganapang ito. (Daris Jose)

Other News
  • Pagkamatay ni ex-BuCor deputy officer Ricardo Zulueta, walang foul play – PNP

    Walang umanong foul play sa biglaang pagkasawi ni dating Bureau of Corrections deputy officer Ricardo Zulueta ayon sa Philippine National Police. Ito ang binigyang-diin ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Fajardo sa gitna ng pagdududa ng ilan sa naging pagkamatay ni Zulueta na kapwa akusado ni dating BuCor director Gerald Bantag sa kasong pamamaslang […]

  • Pringle lider sa BPC

    NAMUMUNO sa Best Player of the Conference (BPC) si Stanley Wayne Pringle Jr. ng bagong koronang hari sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble na Barangay Ginebra San Miguel sa Angeles, Pampanga.   Magkakaroon ang propesyonal na liga ng special awards ceremony na aprubado na ng PBA board sa darating na Enero […]

  • ‘Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings’ Star Simu Liu Wants to Make a Marvel Musical

    Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings star Simu Liu wants to make a Marvel musical.     The highly anticipated next installment in the MCU, Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings, is soon to be released, and early word of mouth on the picture has been highly positive. The film is Marvel Studios’ […]