• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pringle lider sa BPC

NAMUMUNO sa Best Player of the Conference (BPC) si Stanley Wayne Pringle Jr. ng bagong koronang hari sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup bubble na Barangay Ginebra San Miguel sa Angeles, Pampanga.

 

Magkakaroon ang propesyonal na liga ng special awards ceremony na aprubado na ng PBA board sa darating na Enero 2021 upang bigyang pagkilala ang top player sa isang komperensya lang sa taong ito dahil sa Covid-19.

 

Pararangalan din sa All-Filipino tourney bukod sa BPC, ang mga magiging na Outstanding Rookie, Most Improved Player, Sportsmanship Award at Special Team Awards.

 

Mga katunggali Pringle para sa top individual award  sina Bobby Ray Parks Jr. ng TNT, Matthew Wright at Calvin Abueva ng kjapuwa ng Phoenix Super LPG, Christian Jaymar Perez ng Terrafirma, at Christian Standhardinger ng NorthPort.

 

Magkakalaban naman para sa Outstanding Rookie award sina Meralco guard Aaron Black, Roosevelt Adams ng Blackwater at Arvin Tolentino ng Ginebra. (REC)

Other News
  • Nalungkot lang na ‘di nakarating para tanggapin ang award: LOTLOT, nakasungkit uli ng Best Supporting Actress trophy sa ‘The 5th EDDYS’

    SA ikalawang pagkakataon sa loob lamang ng isang buwan ay nanalong Best Supporting Actress si Lotlot de Leon para sa pelikulang ‘On The Job 2: The Missing 8’.     Una ay pinarangalan si Lotlot sa Gawad Urian noong November 17, at nito namang Linggo ng gabi, November 27, ay muling nasungkit ni Lotlot ang […]

  • May offer na movie na makakatambal niya si JASMINE: JOHN LLOYD, nilinaw na hindi exclusive contract star ng GMA dahil may sariling management

    MARAMI nang naghahanap kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at marami nang tanong sa GMA Network kung kailan siya muling gagawa ng project?       Napapanood lamang ngayon si Marian every Saturday, sa pagho-host niya ng OFW drama anthology na Tadhana.  Sa ngayon daw ay naka-leave pa rin si Marian, dahil ingat na ingat pa rin […]

  • ‘Prolonged’ COVID-19 wave sa PH, posibleng magtagal pa hanggang ‘ber’ months – OCTA

    Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, ang kasalukuyang wave ay mas matagal kesa sa inaasahan kung ihahalintulad sa tumamang Omicron BA.4 sa South Africa na nagtagal lamang ng dalawang buwan.     Paliwanag ni Dr. David, nagsimula na umanong maranasan ang COVID-19 wave noong Hunyo kung kaya’t inaasahan na huhupa na ito ngayong buwan […]