• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB binalaan ang mga operators at drivers ng EDSA Carousel buses na tumatangap ng bayad

BINALAAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga kumpanya ng EDSA Carousel na sumisingil ng bayad sa mga pasahero at kung saan pinaalalahanan din ang mga pasahero na libre ang sakay round the clock sa buong buwan ng December.

 

 

Nilinaw ng LTFRB ang tungkol sa issue dahil sa mga nakakarating na reklamo sa kanilang opisina na ang ibang EDSA buses ay sumisingil ng bayad lalo na sa nighttime trips.

 

 

Wala pa naman formal na reklamo ang inihain ng mga pasahero sa LTFRB laban sa mga bus operators at drivers subalit kanila na rin iimbestigahan ang nasabing alegasyon ng mga pasahero.

 

 

“But we will look into reports that passengers are being asked to pay bus fares during the trips from 11 p.m. to 4 a.m.,” wikani LTFRB executive director Robert Peig.

 

 

Ayon kay Peigna ang mga kumpanya ng EDSA buses na mahuhuling sumisingil sa mga pasahero ay kanilang ilalagay sa blacklist at pagmumultahin ng P5,000 ang kanilang mga tauhan. Irerekomenda naman ng LTFRB na suspendihin ang driver’s license ng mga mahuhuli sa Land Transportation Office (LTO).

 

 

Noong nakaraang buwan ay nagpasa ang LTFRB board ng Resolution 174 para sa 24-hour na libreng sakay sa EDSA busway mula Dec.1 hanggang Dec.31.  Dati ang libreng sakay ay mula lamang 4 a.m. hanggang 11 p.m.

 

 

Tinitingnan din ng LTFRB ang pagdadagdag ng mga buses dahil na rin sa report na may matagal na waiting time ang nararanasan ng mga pasahero lalo ng kung gabi. Marahi lito ay dahil sa tumaas na bilang ng mga pasahero na sumasakay ngayon Christamas season.

 

 

Sa ngayon ay tumaas ng hanggang 14,000 simula ng December at 21,000 hanggang noong nakaraang Sabado ang mga pasahero mula 11 p.m hanggang 4 a.m.

 

 

Matatapos ang libreng sakay sa EDSA Carousel sa Dec. 31 dahil sa walang pondo ang nakalaan para sa contracting service policy ng pamahalaan sa  ilalim ng 2023 National Expenditure Program. LASACMAR

Other News
  • Ilang kawani ng isang pribadong ospital at security guards kinasuhan ng Valenzuela LGU

    SINAMPAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang ilang kawani ng isang pribadong ospital, kabilang ang staff ng credit and collection at security guards ng magkahiwalay na mga kasong serious illegal detention at slight illegal detention sa City Prosecutor’s Office.     Personal na sinamahan ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang libreng serbisyo ng legal team […]

  • MAJA, ‘di pa pinag-iisipan kung tuluyan nang magiging Kapuso

    MARAMING nagtatanong kung hindi pa ba magiging Kapuso si Maja Salvador?       Sa ngayon kasi ay napapanood si Maja daily sa Eat Bulaga, may sarili siyang segment doon, ang dance contest na “DC2021: Maja On Stage” na may three days silang live, Thursdays to Saturdays,  na pagkatapos ay nagti-tape naman sila ng three days […]

  • Kaya sa ‘Pinas na lang sila magho-Holy Week: MICHAEL V., takot na maging biktima uli ng hold-up

    MAY dahilan si Michael V. kung bakit mas gusto raw niyang sa Pilipinas na lang sila mag-spend ng Holy Week ng kanyang pamilya.     Ayon sa Kapuso comedian, takot daw siyang maging biktima ng hold-up ulit.     Hindi naman tinukoy ni Bitoy kung saan naganap ang pangho-hold-up sa kanya, pero nangyari daw iyon […]