• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya sa ‘Pinas na lang sila magho-Holy Week: MICHAEL V., takot na maging biktima uli ng hold-up

MAY dahilan si Michael V. kung bakit mas gusto raw niyang sa Pilipinas na lang sila mag-spend ng Holy Week ng kanyang pamilya.

 

 

Ayon sa Kapuso comedian, takot daw siyang maging biktima ng hold-up ulit.

 

 

Hindi naman tinukoy ni Bitoy kung saan naganap ang pangho-hold-up sa kanya, pero nangyari daw iyon sa isang Holy Week vacation nila.

 

 

Ayon sa misis ni Bitoy na si Carol Bunagan: “Hindi siya uneventful, eh, ‘yung mga Holy Week namin. Si Bitoy na-holdap… may mga ganun e, so play it safe na lang.”

 

 

Kaya ngayong Semana Santa, sa kanilang rest house sa Batangas pupunta ang pamilya ni Bitoy.

 

 

“”Wala namang mawawala maigi rin namang mag-stay sa bahay,” sey pa ng Bubble Gang star.

 

 

Noong nakaraang February lang bumiyahe sa ibang bansa si Bitoy at Carol. Nag-celebrate sila ng kanilang 25th wedding anniversary sa Penang, Malaysia.

 

 

***

 

 

NAGLABAS ng kanyang sama ng loob ang legendary Hollywood actress na si Jane Fonda sa dating co-star na si Jennifer Lopez dahil sa hindi nito paghingi ng sorry sa kanya sa isang sampalan na eksena sa pelikulang Monster-In-Law noong 2005.

 

 

Labing-walong taon daw na kinimkim ng two-time Oscar winner ang ginawang iyon ni J.Lo na hanggang ngayon ay kinasasama ng loob niya. Dahil daw sa sampal ni J.Lo ay nasugatan ang mukha niya at nagpakita ng walang concern sa kanya ang singer-actress.

 

 

“Well, okay, the thing that comes to mind right away is, we have a slapping scene. I slap her, she slaps me, I slap her. Well, Jennifer — as per Jennifer — she had this enormous diamond ring.

 

 

“And so, when she slapped me one of the times, it cut open across my eye, my eyebrow. You know, she’s never apologized,” kuwento ni Fonda sa The Drew Barrymore Show.

 

 

Kung makarating daw kay J.Lo ang kuwento ni Fonda at mag-apologize ito, tatanggapin pa rin daw ito ng aktres. Pero sa susunod daw na magsama sila sa isang pelikula, sisiguraduhin niyang walang sampalan na eksena.

 

 

Sa edad na 85, aktibo pa rin si Fonda sa paggawa ng pelikula at TV shows. Huli siyang napanood sa comedy series na Grace & Frankie. Nasa comedy film siya ngayon na Moving On with Lily Tomlin.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Philippines taekwondo jins ready nang sumalang sa Olympic qualifying

    Handang-handa na ang apat na national taekwondo jins na lumaban sa qualifying tournament sa hangaring makakuha ng Olympic Games slot sa Tokyo, Japan sa Hulyo.     Tatarget ng Olympic berth sina 2016 Rio de Janeiro Olympian Kirstie Elaine Alora, 2019 Southeast Asian Games medalists Pauline Lopez, Kurt Barbosa at Arven Alcantara sa Asian Olympic […]

  • Para sa mga aspiring singers: NINA, nag-advice na alagaan ang talent at ‘wag lumaki ang ulo

    MAY advice o tips ang Diamond Soul Siren na si Nina sa mga baguhan o aspiring singers para tumagal sa industriya.     “Alagaan ang boses, alagaan ang talent, and huwag lumaki ang ulo.     “Kasi yun ang pinaka-first and foremost e, kasi automatic na parang feeling mo pag famous ka na, ang dami […]

  • US, Australia at UK sanib puwersa na

    Inanunsiyo ni US President Joe Biden ang pagbuo ng AUKUS ang bagong tripartire partnership ng US, Australia at United Kingdom.     Ito ay para labanan daw ang banta ng China sa Pacific region.     Sa ginawang virtual launching ay nagsalita sina Australian Prime Minister Scott Morrison at British Prime Minister Boris Johnson.   […]