• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zavier Lucero, UP Fighting Maroons amoy UAAP titulo

Schedule sa Miyerkoles

(Smart Araneta Coliseum)

5:30 pm – Awarding Ceremony

6 pm – AdMU vs UP

 

 

Namuro ang defending champion UP Fighting Maroons ang pangalawang sunod na titulo ngayong taon nang bidahan ni Zavier Lucero upang pabagsakin ang Ateneo Blue Eagles, 72-66, sa 85th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball best-of-3 Finals Game 1 sa harap ng 18,211 miron Linggo ng gabi SM Mall of Asia Arena sa Pasay.

 

 

Umupo ang Peyups sa trono noong Hunyo nang tapusin ang 36 na taong pagkagutom sa kampeonato sa pagtimon coach Goldwin Monteverde kontra AdMU rin.

 

 

Trumabaho sa ‘Battle of Katipunan’ si Lucero ng krusyal na 14 points, 10 rebounds, tig-2 assists at blocks, na sinegundahan ni JD Cagulangan ng 12 markers. Umiskor pa ng 11 si Harold Alarcon at si presumptive MVP Malick Diouf ng siyam.

 

 

“I think for us it’s every day coming in and listening to what our coaches said in preparing accordingly [cause] we know that there are good team over there so we have to bring our best every single time out, and for us, this one’s not already done, we got one more to win and all that UP people please come again,” bulalas ni Lucero.

 

 

Walang saysay ang 16 pts.ni Rence Padrigao at 15 ni Ange Kouame para sa Eagles. (CARD)

Other News
  • DBM: 4.4 MILLION HOUSEHOLDS, MAKIKINABANG SA P106 BILYONG PONDONG INILAAN PARA SA 4PS

    NAGLAAN  ang pamahalaan ng ₱106.335 bilyon sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na naglalayong tulungan ang mahigit 4.4 milyong karapat-dapat na pamilya sa buong bansa.       Binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary […]

  • Tiyak na ikalulungkot ng mga nagpapantasya… DAVID, ‘di na papayagang maghubad o magpa-sexy

    TIYAK na ikalulungkot ng mga bakla at nagpapantasya ang ibabalita namin… hindi na magpapaseksi si David Licauco.   Dahil kasi sa tagumpay ng “Maria Clara At Ibarra” at sa consistent na pagti-trending ni David bilang ‘Pambansang Ginoo’ na si Fidel sa top-rating historical serye ng GMA ay lumaki o dumami ang mga batang fans ng […]

  • Non-stop ang pagdating ng magagandang projects: JULIE ANNE, bongga na ang career at lucky in love pa dahil kay RAYVER

    IT seems non-stop ang success ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.       Sabi nga, bukod sa lucky in love si Julie dahil kay Rayver Cruz, very lucky rin ang Sparkle star na tumanggap ng Silver Award para sa “Limitless: A Musical Trilogy” mula sa 2022 New York Festivals TV and Film Awards.   […]