• April 7, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maharlika wealth funds ‘advantageous’ sa Pilipinas ayon kay PBBM

DINEPENSAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatayo ng Maharlika Wealth Fund na siyang magbibigay daw ng dagdag na investments sa bansa.

 

 

Sa kanyang unang public statement sa kontrobersyal na bill, sinabi ng president na naniniwala siyang magiging “advantageous” ito sa bansa. “ For sure, I wouldn’t have brought it up otherwise.”

 

 

“It’s very clear we need added investment. This is another way to get that,” dagdag pa niya.

 

 

Ito ang nagging tugon ng pangulo nang tanungin siya ng reporters habang sila ay patungong Belgium para sa ASEAN-EU Commemorative Summit.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na dapat daw muna itigil ang mga pagdedebate hangga’t hindi pa nakikita ang “final form” ng proposed bill at mas mabuting hintayin kung ano ang gagawin ng mga mambabatas ukol dito.

 

 

“Because we could be debating about provisions that will no longer exist,” ani Marcos.

 

 

Sa ngayon, inamyendahan na ng mga mambabatas sa House of Representatives ang Maharlika fund bill matapos umani ng kritisismo ang proposal.

 

 

Kasama sa mga binago ang pagtatanggal sa Government Service Insurance System at Social Security System bilang pondo para sa sinasabing sovereign fund bill. Sa ngayon, kita mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang magiging source ng seed money para sa Maharlika fund. (Daris Jose)

Other News
  • DeEd sa reg’l offices: Paghandaan na ang ‘limited in-person classes’

    HINIMOK ni Education Secretary Leonor Briones ang ilan pang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 o mas mababa pa na patuloy na paghandaan ang pagpapatupad ng limited in-person classes sa kanilang mga lugar.     Ito ay matapos na atasan ni Briones ang lahat ng mga regional directors ng Department of Education […]

  • Online application sa educational aid, itinigil na ng DSWD

    INIHINTO  na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagtanggap ng aplikasyon online para sa kanilang educational assistance program na laan sa mahihirap na mag-aaral.     Ito ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo ay dahil may mahigit 2 mil­yong indigent students na ang nakarehistro online para sa kanilang educational assistance program.   […]

  • Pampublikong transportasyon may 70 porsiento na ang kapasidad ngayon

    Sinimulan noong nakaraang Martes ang pagpapatupad ng 70 porsiento sa kapasidad ng mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya.       Sa ilalim ng Memorandum Circular 2021-064 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga pampublikong tranportasyon tulad ng mga public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs) […]