• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 78-K wanted individuals, arestado ng Philippine National Police ngayong taong 2022

IBINIDA  ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang nasa mahigit 78,000 wanted individuals na kanilang naaresto ngayong taong 2022.

 

 

Sa gitna pa rin ito ng patuloy na pagsisikap ng buong hanay ng kapulisan na mapigilan at masugpo ang krimen sa Pilipinas.

 

 

Batay sa inilabas na pinakabagong consolidated assessment report ng PNP Directorate for Operations, makikita na umabot na sa 78,293 wanted individuals ang nahuli na ng pulisya mula buwan ng Enero hanggang buwan ng Disyembre ng taong kasalukuyan.

 

 

Nakasaad din sa nasabing ulat na nasa 2,940 mga miyembro na rin ng mga organized crime groups ang na-round-up na ng mga otoridad, nasa 381 na ang na-neutralized, habang nasa 162 na ang mga sumukong criminal group members, at nakakumpiska rin ito nasa 369 na mga armas sa loob ng nasabing 12 buwan ng taong 2022.

 

 

Samantala, iniulat din ng pambansang pulisya na sa ilalim ng kampanya nito kontra loose firearms ay umabot na sa 32,441 na mga armas ang kanilang nakumpiska, habang nasa 9,724 na mga indibidwal naman ang kanilang naaresto, at aabot naman sa o4,930 ang mga kasong naihain na nito sa korte.

 

 

Bukod dito ay ibinida rin nila ang nasa 2,440 na mga miyembro ng mga communist terrorist groups sa bansa, at ang kabuuang 1,133 na mga armas na kanila rin nakumpiska matapos ang mga operasyong ikinasa ng kapulisan ukol dito.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay nagpaabot naman pagbati si PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. sa lahat ng mga tauhan ng Philippine National Police para sa naging matagumpay na operasyon nito bilang bahagi ng pagpapaigting nito sa presensya ng pulisya para mabawasan ang mga krimen, katiwalian, ilegal n droga, insugency, terorismo, at iba pa.

 

 

Aniya, nagpapakita lamang ito na mayroong matibay na samahan ang buong hanay ng pambansang pulisya, at ang iba pang sangay ng pamahalaan para sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa buong Pilipinas.

Other News
  • VFA OUT

    NAIPAALAM na ng gobyerno ng Pilipinas sa United- States ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA), magkakabisa ito pagkalipas ng 180 araw makaraang matanggap ang notice.   Kasunod nito ay matitigil na ang pagbisita ng US troops sa bansa para magsagawa ng exercise kasama ang Philippine troops. Nagsimula ang VFA noong 1998. Dalawang dekada na […]

  • Pagmamahal ng aktor walang hanggan at katapusan: KATHRYN, pinasalamatan si DANIEL sa ’11 beautiful years’

    PAGKATAPOS ng ilang buwan na pinag-uusapan na nagkahiwalay na ang minamahal na loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nakumpirma na nga ito noong November 30. Pareho na ngang nagsalita sina Kath at DJ at inaming hiwalay na sila kasabay ng pakiusap na irespeto muna ang kanilang privacy. Sa mahabang Instagram post ni Kath sinimulan […]

  • Paghihigpit sa galaw ng mga unvaccinated laban sa COVID-19, para sa kabutihan ng lahat- Nograles

    PARA sa kabutihan ng lahat ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pagbawalan ang mga indibidwal na hindi pa bakunado laban sa Covid-19 na gumala-gala at makikita sa mga pampublikong lugar.     Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung ano ang […]