• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VFA OUT

NAIPAALAM na ng gobyerno ng Pilipinas sa United- States ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA), magkakabisa ito pagkalipas ng 180 araw makaraang matanggap ang notice.

 

Kasunod nito ay matitigil na ang pagbisita ng US troops sa bansa para magsagawa ng exercise kasama ang Philippine troops. Nagsimula ang VFA noong 1998. Dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang mapagkasunduan ang VFA at ngayon ay namiminto nang matapos.

 

Nag-ugat ang termination ng VFA makaraang kanselahin ng US ang visa ni Senador Ronald dela Rosa noong nakaraang buwan. Nagalit si Duterte sa ginawa- kay dela Rosa kaya bilang protesta, inaprubahan niya ang termination ng VFA. Minura pa ng Presidente ang US dahil masyado raw bastos.

 

Marami naman ang nabahala sa pag-terminate sa VFA, hindi raw sana naging pabigla-bigla ang gob-yerno sa pagpapatigil sa VFA. Marami namang nagawa sa bansa ang VFA, hindi lamang sa pagbi-bigay ng bagong kaalaman sa Philippine troops kundi pati na rin sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

 

May punto ang mga nagsasabi na kailangan ng bansa ang VFA o ang presensiya ng US troops laban- sa mga nagtatangka. Pero dapat din namang tingnan kung nasusunod ba ang nasa kasunduan ng VFA o dapat rebyuhin sapagkat may mga mali rito.

 

Mapuproteksiyunan nga ba ng US ang bansa sakali’t magkaroon ng sigalot sa rehiyon? Natutupad ba ang nasa kasunduan na bibigyan ng mga bagong barko at eroplano?

 

Tila hindi ito natutupad sapagkat pawang segunda mano ang dinadala rito na ginamit pa noong World War 2. Kung ganito ang nangyayari, dapat pa bang panatilihin ang VFA.

Other News
  • Mag-asawa kulong sa P4M shabu sa Caloocan

    BAGSAK sa kulungan ang isang mag-asawa na tulak umano ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina Leo Gonzales alyas “Netoy”, 50 at Adela […]

  • DOTr: 143 social tourist port ang nakumpleto

    May 143 na social at tourism port projects ang natapos ng gawin ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng benipisyo sa mga coastal communities, mangingisda at turista sa buong bansa.     Ang nasabing proyekto ay isa sa mga highlights ng administasyong Duterte na naglalayon na magbibigay ng equitable growth at development sa bansa […]

  • Bigo ulit ang Pilipinas sa 95th Academy Awards: ‘On The Job: The Missing 8’ nina JOHN, ‘di nakasama sa shortlist ng Foreign Language Film

    SA pagsalang ni Elijah Alejo sa fast money round ng Family Feud Philippines, kabilang sa mga tanong ay magkano ang ibibigay niya sa inaanak ngayong Pasko. Ang naging sagot ng aktres ay “P20” na kinaaliwan ng maraming netizens. Nakalaban ng bida sa upcoming GMA teleserye na Underage at ng kanyang pamilya sa naturang episode ay […]