• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rondina, Gonzaga kampeon sa World Tour

NASUNGKIT  nina Sisi Rondina at Jovelyn Gonzaga ang gintong medalya sa Volleyball World Beach Pro Tour Futures na gina­nap sa Subic Bay Sand Court sa Subic.

 

 

Naisakatuparan ito nina Rondina at Gonzaga matapos pataubin sina Gen Eslapor at Dij Rodriguez sa bendisyon ng 22-24, 21-12, 15-12 come-from-behind win sa all-Filipino championship match.

 

 

Naiselyo ang all-Filipino finale matapos pataubin ng Pinay spikers ang kani-kanyang karibal sa semis.

 

 

Iginupo nina Rondina at Gonzaga sina Yahli Ashush at Anita Dave ng Israel sa pamamagitan ng dikdikang 20-22, 21-8, 17-15 panalo sa unang semifinal match.

 

 

“It was worth it!” wika ni Rondina.

 

 

Dumaan din sa butas ng karayom sina Eslapor at Rodriguez na kinaila­ngang itakas ang 16-21, 28-26, 15-13 panalo kina Japanese tandem Miyu Sakamoto at Mayu Sawame.

 

 

“Three Japanese teams, those are what we beat here. Turned out we’ve become their (Japanese)conquerors,” ani Eslapor.

 

 

Pinuri naman ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara ang tagumpay ng mga Pinay spikers.

 

 

Ito ang pinakamataas na karangalan na nakuha ng Pilipinas sa isang volleyball tournament sa nakalipas na mga taon. (CARD)

Other News
  • Grateful sa ka-loveteam at sa ‘Eat Bulaga’: ALDEN, ‘di itinanggi na na-in love siya dati kay MAINE

    SIGURADONG nagdiwang ang AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa sagot ni Asia’s Multimedia Star sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last October 9.      Tinanong ni Boy Abunda si Alden kung na-in love ba siya kay Maine noong nabuo ang kanilang love team na “AlDub” sa “Eat Bulaga?”   […]

  • Dagdag gastos sa Tokyo Olympics, pinaplantsa na

    Magpupulong ngayong araw ang organizing committee ng Tokyo Olympics 2021 para pag-usapan ang karagdagang gagastusin nila sa opening at closing ceremonies.   Plano kasi ng organizer na gumastos ng karagadang $33.7 million.   Nauna ng mayroong $82 million ang inilaan na budget sa opening ceremony subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito ipinagpatuloy.   […]

  • Dahil sa malicious statements and innuendos: DOMINIC, nagsampa na rin cybel libel case laban kay CRISTY

    NAGSAMPA na nga ng kasong cyber libel ang aktor na si Dominic Roque laban sa showbiz columnist at host na si Cristy Fermin.         Sa huling araw ng Mayo, nag-file ng kanyang kaso ang aktor sa Office of the City Prosecutor sa Pasig City base na rin sa report ni Nelson Canlas. […]