Pag-IBIG Fund net income, pumalo sa ₱38.06B record-high nitong Oktubre 2022
- Published on December 14, 2022
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA ang Pag-IBIG Fund ng record-high net income na ₱38.06 bilyong piso mula Enero hanggang Oktubre 2022.
Sa isang kalatas, sinabi ng Pag-IBIG Fund na nakapagtala ito ng bagong record net income kung saan nalampasan ang ₱34.73 bilyon na nakuha noong taong 2021.
Ang record-high ay 39% increase kumpara sa kahalintulad na panahon ng nakaraang taon.
Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, ang total assets ng ahensiya ay pumalo sa ₱810.07 bilyong piso, nakakuha ito ng 10% o ₱65.49 bilyong piso mula sa year-end 2021.
Aniya pa, ang accomplishments ng ahensiya “as of October” ay nagpapakita na “it shall have its best-performing year yet.”
Tinuran naman ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar, nagsilbi bilang chairperson ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, ang performance ng ahensiya ang naglagay sa “strong position to continue providing social services and help more Filipinos gain better lives,”
Samantala, pinasalamatan naman ni Acosta ang lahat ng mga miyembro at stakeholders para sa kanilang matatag na tiwala at suporta. (Ara Romero)
-
PSC chair Noli Eala inilatag ang mga pagbabagong gagawin sa ahensiya
IBINAHAGI ng bagong talagang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) Noli Eala ang mga programa niya para sa nasabing ahensiya. Matapos ang pagtalaga sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay tiniyak nito na magkakaroon ang PSC ng pangmatagalang programa na ikakatagumpay ng mga atleta. Palalakasin din ito ang inisyatibo sa […]
-
CENTENARIAN NAKATANGGAP NG P10K REGALO MULA SA NAVOTAS LGU
NAKATANGGAP ng P10,000 cash na regalo mula sa Pamahalaan Lungsod ng Navotas ang isang centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100th kaarawan kamakailan sa lungsod. Personal na binisita para batiin at inabot ni Mayor Toby Tiangco, kasama si Cong. John Rey Tiangco at ilang konsehal ng lungsod ang P10,000 cash na regalo kay Lola […]
-
PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan sa N. Samar
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t ibang government assistance mula sa Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa Northern Samar. Sa naging talumpati ng Pangulo, tiniyak nito sa mga residente […]