• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face to face visitation sa mga preso sa mga jail facility, dumaan sa maraming konsiderasyon bago payagan

MAAYOS  ang inisyal na pagtaya ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa muling pagpapatupad nila ng face to face o in person visitation sa mga bilanggo o persons deprived of liberties.

 

 

Sinabi ni Bureau of Jail Spokesman Jail Supt. Xavier Solda na 478 na mga district jail  sa buong bansa ang pinayagan na ang face to face visitation.

 

 

Binigyang-diin ni Solda na bago nila ibinalik ang in-person visitation, malaking konsiderasyon ay ang vaccination coverage ng mga preso at mga personnel ng BJMP, lagay ng community transmission, at  bilang ng mga kaso sa mga kulungan.

 

 

Para sa mga kulungan na masikip, sinabi ni solda na magpapatupad sila ng adjustments sa bilang ng mga bibisita sa mga preso.

 

 

Ayon kay Solda, 25% ng total jail population ang pwedeng makadalaw muna, dahil hindi lang health concern ang kanilang iniisip kundi maging ang security concerns din sa mga pasilidad.

 

 

Nakay Pangulong BBM kung sesertipikahan bilang urgent ang Maharlika Investment Fund.

 

 

Ayon kay  Speaker Martin Romualdez,  upapa ubaya na lamang nika  kay Pang. Bongbong ang desisyon sa naturang  isyu.

 

 

Sa ngayon aniya ay naisa-ayos na nila ang MIF upang tugunan ang alinlangan ng publiko hinggil sa ilan sa probisyon nito, isa na nga ay patungkol sa pagsali ng SSS at GSIS bilang funding source.

 

 

Nakasalang na sa ikalawang pagbasa ang MIF at batay aniya sa update ni House Majority Leader Mannix Dalipe, may 90 mambabatas na nag co-author sa panukala at posibleng umakyat pa sa 250.

 

 

Nagkausap din aniya sila ni Sen. Mark Villar na nagpahayag aniya ng kahandaan na maghain ng counterpart measure sa senado.

 

 

Muli namang binigyang diin ni Romualdez na mahalagang tingnan ang kabuuang layunin ng pagtatatag ng sovereign wealth fund.

 

 

Punto nito, imbes na natutulog lang ang pera at pondo ng pamahalaan at mga GOCC ay maigi na mailagak ito sa sovereign wealth fund na inaasahang magbibigay ng mas malaking kita, na siyang magagamit pampondo ng iba’t ibang programa at proyekto ng pamahalaan.

 

 

Makakatulong din aniya ito na makaakit ng iba pang mamumuhunan sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • World Bank, inaprubahan ang $200-M dollars na karagdagang pondo para sa Ukraine recovery

    INANUNSIYO ng World Bank (WB) na inaprubahan nito ang halos $200 milyon para sa karagdagan at reprogrammed na financing upang palakasin ang Ukraine’s social services para sa mga vulnerable people.     Ang financing ay bahagi ng isang $3 bilyon na package support na dati nang inihayag ng World Bank na naghahanda ito para sa […]

  • Knights pupuntiryahin ang ‘three-peat’ sa NCAA Season 98

    WALANG ibang puntirya ang Letran Knights kundi ang ‘three-peat’ sa susunod na NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa Setyembre.     Kinumpleto ng Knights ang 12-game sweep matapos dominahin ang Mapua Cardinals sa NCAA Finals para angkinin ang kanilang back-to-back championship sa Season 97 noong Linggo.     Unang kinopo ng Letran ang dalawang […]

  • Ads June 1, 2023