PBBM, ipinag-utos ang paglikha ng panel na tutugon sa deployment concerns ng mga Filipino seafarer
- Published on December 16, 2022
- by @peoplesbalita
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng isang advisory board na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa government agencies, international shipowners, at stakeholders na tutugon sa deployment concerns ng mga Filipino seafarer.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), nagbigay ng direktiba ang Pangulo sa isang meeting kasama ang international maritime employers at iba’t ibang shipowners sa Brussels.
Kasalukuyang nasa Belgium ang Pangulo para dumalo sa ASEAN-European Union Summit ngayong linggo.
Sa nasabing meeting, sinabi ni Pangulong Marcos sa transport officials ng European Union na ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng makakaya nito para tugunan ang certification issues na may kinalaman sa mga Filipino seafarer at para sumunod ang mga ito sa Standards of Training, Certification, and Watchkeeping (STCW) Convention.
“Our seafarers are of great importance to the Philippines in many, many ways. Although we recognize that in the last many years, the Philippines has done very well in terms of being the leading seafarers around the world, however, with the changing situation after the pandemic, with the changing situation especially when we talk about supply line problems, all of these areas have to be revisited,” ang winika ni Pangulong Marcos sa mga shipowners at stakeholders.
“That comes with the training, changes in the curriculum, all of these things have to be ascertained,” aniya pa rin.
Ang hakbang ng Pangulo ayon sa Malakanyang ay bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Marcos na sumunod sa standards ng European Maritime Safety Agency (EMSA) standards matapos mapuna ng EU ang Pilipinas sa kakulangan sa local seafarer training at edukasyon.
Tinatayang may 50,000 Filipino seafarers sa European vessels ang napaulat na nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa paulit-ulit na pagkabigo ng Pilipinas na mapagtagunpayan ang EMSA evaluation sa nakalipas na 16 na taon. (Daris Jose)
-
South Korea, nag-alok na i- rehabilitate ang Bataan Nuclear Power Plant-Research institute
DAPAT na ikunsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang alok ng South Korea na i-rehabilitate o ayusin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), na makatutulong na mapalakas ang power capacity ng bansa. Sinabi ni Philippine Nuclear Research Institute Director Carlo Arcilla na ang alok ng South Korea na i-rehabilitate ang planta ay nagkakahalaga ng […]
-
Presyo ng ilang Noche Buena items, sumirit- DTI
NAGSIMULA nang sumirit ang ilang Noche Buena items bago pa ang Kapaskuhan. Dahil dito, pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) kung magpapalabas pa sila ng price guide. Gayunman, may ilang manufacturers ang nagpalabas ng advisories kung saan ang presyo ng ham ay tumaas ng P40. “Kinakausap pa naman yung mga manufacturers para […]
-
Sa one-on-one interview niya kay Korina: IZA, may mga isiniwalat sa ina at tungkol sa kanila ni BEN
PUNUM-PUNO ng juicy revelations ang award-winning dramatic actress na si Iza Calzado sa kanyang one-on-one kay veteran broadcast journalist Korina Sanchez-Roxas sa ‘Korina Interviews’ na pinalabas last Sunday, December 3 sa NET 25, na puwedeng balik-balikan sa kanilang YouTube. Isa nga sa napag-usapan nina Korina at Iza, ang tungkol sa kanyang ina na noong […]