• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posible kayang maging ninang nila ni Cong. Jay?: AIKO, kilig na kilig sa pagdating ni VP SARA sa party niya

KILIG na kilig si Councilor Aiko Melendez sa pagdating sa party niya ng Bise-Presidente ng Pilipinas na si Sara Duterte.

 

 

Nag-fangirling si Aiko dahil idolo niya si Inday Sara na nagpaunlak na dumalo sa Super Sam sa imbitasyon mismo ni Aiko.

 

 

Nag-speech si Inday Sara para kay Aiko ng pagpapasalamat sa pag-iimbita sa kanya at pagsuporta ng aktres at boyfriend na si Zambales 1st District Congressman Jay Khonghun sa kanyang kandidatura nitong nakaraang May 2022 elections.

 

 

Hindi lamang si Aiko kundi maging ang mga bisita niya that night ay aligaga sa pagpapakuha ng litrato kay VP Sara.

 

 

Since close sila, posible kayang mag-ninang si VP Sara sa kasal, kapag nag-propose na si Cong. Jay kay Coun. Aiko?

 

***

 

SINCE magtatapos na sa December 23 ang Start Up-PH, tinanong namin si Jeric Gonzales kung ano ang nararamdaman niya?

 

“Masayang-masaya siyempre, kasi grabe yung mga nakasama ko dito, si Alden, si Bea, si Yasmien, to be a part of this show, parang sobra-sobrang blessing yung dumating sa akin this year, kasi it’s global hit…this franchise na kinuha ng GMA, a Korean adaptation na ginawang Philippine adaptation, masuwerteng-masuwerte ako na mapasama dito.”
Silang apat ang bida sa Start-Up PH; si Jeric bilang Davidson Navarro, si Alden Richards bilang si Tristan Hernandez, si Yasmien Kurdi bilang si Ina Diaz at si Bea Alonzo bilang si Dani Sison.

 

Ano ang pinaka hindi niya makakalimutang eksena?

 

“Hindi ko makakalimutang eksena… siguro mayroong kanya-kanya eh, kasi bawat aktor meron akong mga significant na scenes eh, siguro ano na lang… pinaka hindi ko makakalimutan sa family ko… sa parents ko, kay Kuya Onin tsaka kay Ms. Lovely.”

 

Gumanap na mga magulang niya sa serye sina Niño Muhlach at Lovely Rivero.

 

“Kasi ang ganda nung eksena na umamin na siya na hindi talaga siya magaling, parang ganun, yung pagka-impostor syndrome niya inamin na niya sa magulang niya.

 

“All the while akala ng magulang niya CEO siya, parang siya yung CEO ng kumpanya niya, so yun, memorable yun.”
Ano ang natutunan ni Jeric na mga lessons sa Start-Up PH?

 

 

“Lessons… siguro magpakatotoo ka dun sa nararamdaman mo, yung si Davidson, tinuturuan siya ng magulang niya para… well yung gawin kung ano yung gusto ng mga magulang niya, na siguro dapat sundin kung ano yung nasa puso niya, sundin niya yung mga pangarap niya.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Lotlot at Mon, wagi rin ng acting awards: CHARO at CHRISTIAN, tinanghal na Best Actress at Best Actor sa ‘The 5th EDDYS’

    TINANGHAL na ang pinakamagagaling sa larangan ng paggawa at pagbuo ng pelikula sa katatapos lang na ikalimang edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).   Naganap ito kagabi, November 27, sa Metropolitan Theater (MET), mula sa mahusay na direksyon ng OPM icon at award-winning singer-songwriter na si Ice […]

  • Pacquiao camp, binawi ang isyu ng retirement

    Nilinaw ngayon ni MP promotion president Sean Gibbons na hindi pa talaga magreretiro si eight division world boxing champion Manny Pacquiao.     Taliwas ito sa naunang mga pahayag ng kampo ni Pacquiao, na tinatapos na fighting senator ang kaniyang boxing career para makapag-focus sa politika.     Ayon kay Gibbons, bagama’t wala pang malinaw […]

  • Teaser ng ‘Gameboys 2’ nina KOKOY at ELIJAH, nagpakilig nang husto sa netizens na bawing-bawi ang paghihintay

    KlLIG to the highest level ang hatid ng teaser ng season 2 ng Gameboys starring Kokoy de Santos at Elijah Canlas.     As of this writing ay may 301,000 views na ang official trailer ng Season 2 ng Gameboys na matagal nang inaabangan ng mga followers ng ground-breaking BL series.     Judging from […]