• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teaser ng ‘Gameboys 2’ nina KOKOY at ELIJAH, nagpakilig nang husto sa netizens na bawing-bawi ang paghihintay

KlLIG to the highest level ang hatid ng teaser ng season 2 ng Gameboys starring Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

 

 

As of this writing ay may 301,000 views na ang official trailer ng Season 2 ng Gameboys na matagal nang inaabangan ng mga followers ng ground-breaking BL series.

 

 

Judging from the teaser, tila mas maraming nakakikilig na eksena sina Kokoy at Elijah.

 

 

Mukhang gustong bumawi ng The IdeaFirst Company sa matagal na paghihintay ng mga fans ng Gameboys.

 

 

Kumbaga, it’s worth the long wait. Bukod sa season 2 ng Gameboys, nakaabang din ang mga fans ng EliKoy sa movie version Gameboys na hopefully ay matutuloy this year.

 

 

Patok din sa Netflix ang buong series ng Gameboys, na marami pa rin ang nanonood although they’ve watched it during the entire run of the series.

 

 

The fans of the BL series would like to relive the moment at kilig feels ng kwento nina Gavreel at Cairo dahil sobrang nag-enjoy sila sa kakaibang love story sa panahon ng pandemya.

 

 

Mas dumami pa lalo ang viewers ng Gameboys since ipinalabas ito sa Netflix as evidenced by the comments from the audience.

 

 

Congratulations sa Team Gameboys for the awesome success.

 

 

In case, gusto ninyo ng Gameboys calendar, available pa rin ito sa The IdeaFirst Store.

 

 

***

 

 

MATAPOS ang film bio ni Father Suarez, isa na naman matinding challenge ang susunod na haharapin ng Saranggola Media.

 

 

Ang bagitong film outfit ang napisil ni Manila Mayor Isko Moreno or Yorme para magsapelikula ng kanyang buhay.

 

 

Also to be directed by Joven Tan, ang film bio ni Yorme ay isang musical. Mahusay naman na songwriter si Direk Joven Tan. Di ba’t winner siya sa Himig Handog years ago for his composition “Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa” na interpreted ni Ice Seguerra.

 

 

Patok din sa mga fans ang awiting nyang “Pare, Mahal Mo Raw Ako”, which was made into a movie starring Edgar Allan Guzman and Michael Pangilinan.

 

 

Para sa Yorme ay tiyak na may iko-compose na kanta si Direk Joven.

 

 

May call for audition na ang Saranggola Media for the important roles sa Yorme.

 

 

Kaabang-abang ang Yorme, lalo na sa mga constituents ni Mayor Isko sa Maynila, na masaya kung paano pinamamahalaan ng Mayor Isko ang lungsod. (RICKY CALDERON)

Other News
  • 120 araw na feeding program sa Maynila

    MAGKAKALOOB  ng mga masustansiyang pagkain ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa lahat ng ‘undernourished’ na bata sa loob ng 120 araw sa isang taon makaraang maipasa ang ordinansa ng Sangguniang Panglungsod.     Sinabi ni Vice Mayor Yul Servo na naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa regular session nitong Mayo 25 ang […]

  • Ilang fans bumilib sa pagpapakitang gilas sa boxing ni Jemuel Pacquiao

    Umani nang positibong reaksyon mula sa ilang boxing fans ang pagpapakitang gilas sa ensayo sa boxing ng panganay na anak ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao na si Jimuel.   Nag-post kasi sa social media ang 19-anyos na si Jimuel ng video ng kaniyang boxing training.   Sinabi nito na marami siyang natutunan sa kaniyang […]

  • Creamline VS Choco Mucho: Record Breaking crowd

    Ginamot ng Creamline at Choco Mucho ang rekord na 19,000 sumisigaw na mga tagahanga sa SM Mall of Asia Arena sa isang nakabibighani na labanan ng kapangyarihan, mabilis na mga hit, at pag-save sa grand slam-seeking Cool Smashers na lumabas sa 15-25, 25-20, 25- 20, 28-26 winner para isara ang Premier Volleyball League Reinforced Conference […]