SSS, may bagong retirement savings scheme sa mga miyembro
- Published on December 19, 2022
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ng Social Security System (SSS) ang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) Plus, ang pinakabagong retirement savings scheme para sa mga miyembro ng SSS.
Sa press briefing, sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino na ang WISP Plus ay isang voluntary retirement savings program na eksklusibong laan para sa SSS members bilang dagdag-proteksiyon sa kanilang regular social security program.
“We have been spearheading the concept of work, save, invest, and prosper to our members. WISP Plus is a program both for saving and investing. It is an affordable and tax-free savings scheme which will allow our members to save by contributing to the program and invest because their money will generate earnings,” pahayag ni Regino.
Ang WISP Plus ay para sa lahat ng SSS members kahit ano pa ang kanilang membership type, declared monthly earnings, at last posted monthly salary credit (MSC).
“The current WISP is another provident fund program which is compulsory for SSS members who are contributing to the regular program under the MSC that exceeds P20,000. It was mandatorily implemented in January 2021 as part of the amendment in the SS Law last 2018,” dagdag ni Regino. (Daris Jose)
-
10,196 public, private schools, nagpapatupad ngayon ng limited face-to-face classes — DepEd
MAHIGIT sa 10,000 eskuwelahan na naghahandog ng basic education sa buong bansa ang kasalukuyan ngayong nagpapatupad ng limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alerts Levels 1 at 2. Sinabi ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcolm Garma, base sa quick count “as of March 22,” may kabuuang 10,196 […]
-
FLOOD-CONTROL PROJECTS, handa na para sa LA NIÑA-PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang La Niña. “The construction of long-term flood control projects is going to deal with La Niña’s challenges for the government,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview ukol sa paghahanda ng gobyerno para sa nagbabadyang nakapipinsalang weather phenomenon. Ang […]
-
DOH sa publiko: Banta ng COVID- 19, ‘di pa humuhupa
PINALAGAN ni Department of Health (DOH) Secretray Francisco Duque ang ulat na unti-unti nang humuhupa ang banta ng COVID-19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo. Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ni Sec Duque, hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang […]