• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Target ng warrant of arrest, 3 pa timbog sa shabu sa Caloocan

APAT na hinihinalang drug personalities, kabilang ang na-rescue na 16-anyos na estudyante ang arestado nang maaktuhan ng mga pulis na nagta-transaksyon umano ng illegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni East Grace Park Police Sub-Station 2 Commander PLt Joemar Ronquillo ang naarestong mga suspek bilang si Antonio Cuevas, 58 ng Brgy. 36 Maypajo, Jayson Esguerra, 33 ng Tondo,Manila, Michael Ballesteros, 36 ng Brgy. 50, 5th Avenue at ang 16-anyos na binatilyong Alternative Learning System (ALS) student.

 

 

Sa report ni PLt Ronquillo kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, sinabi niya na nagsagawa sila ng manhunt operation upang isilbi ang isang warrant of arrest na inisyu ng MTC Branch 50, Caloocan City kontra kay Cuevas para sa kasong Attempted Homicide.

 

 

Nang ipatupad ang nasabing warrant dakong alas-7:30 ng gabi ay naaktuhan ng mga pulis si Cuevas, kasama sina Esguerra, Ballesteros at binatilyo na nagta-transaksyon umano ng illegal na droga sa Rajah Soliman St., Brgy. 36 na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang limang pirasong small heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P52,543.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang ang menor-de-edad ay isasailalim muna sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development para sa tamang disposisyon. (Richard Mesa)

Other News
  • Knockout: Donaire nasungkit ang WBC title vs French boxer Oubaali

    Matagumpay na nasungkit ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang World Boxing Council (WBC) bantamweight title matapos patumbahin ang French boxer na si Nordine Oubaali.     Nanalo sa pamamagitan ng “knockout” ang Pinoy boxer sa California.   Hindi na nagawang depensahan ni Oubaali ang kanyang titulo nang pasadahan siya ng left blow sa ikaapat […]

  • ALDEN, naging daan para ma-convince si JOROSS na pasukin ang mundo ng live streaming

    MAY bagong career ang actor na si Joross Gamboa ngayong pandemic.       Although sabi nga niya, medyo late na rin daw siyang nag-start. Streamer na rin si Joross ng ilang online or mobile games tulada ng Mobile Legend. As in, araw-araw siyang nag-i-stream at nag-e-enjoy raw siya.     Bukod sa talagang gamer naman […]

  • Dela Pisa desididong manalo ng gold medal

    PURSIGIDO si national gymnast Daniela dela Pisa na magwagi ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games 2021 na sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2.     Kaya bigay todo na siya sa paghahanda sa kasalukuyan sa tuwing ikalawang taong paligsahan para sa 11 bansa.     Kababalik lang Hungary training camp ng 17-anyos […]