• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, asang tatapusin na COVID-19 public health emergency sa 2023

UMAASA si Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na mag­wawakas na ang CO­VID-19 public health emergency sa bansa sa 2023 kagaya ng pahayag ng World Health Organization (WHO) sa pandaigdigang sitwasyon.

 

 

“We are very hopeful on this, and hopefully by next year we can already see na mali-lift na itong public health emergency na ‘to,” saad ni Vergeire.

 

 

Ayon sa WHO, hindi na magiging ‘global health emergency’ ang COVID-19 sa isang punto ng 2023. Hinikayat din nito ang China na magbigay ng dagdag na impormasyon ukol sa aktuwal na pinagmulan ng pan­demya.

 

 

“Very hopeful tayo dahil nagbigay naman ang WHO ng ganitong deklarasyon. Pero kailangan maintindihan din ng ating mga kababayan na we still need to be very cautious dahil ang sabi nga ng WHO, titignan natin na makita pa rin natin talaga na patuloy na bumababa ang mga kaso ng mga kritikal at saka mga namamatay sa COVID-19,” pahayag pa ni Vergeire.

 

 

Matatandaan na idi­neklara ang ‘public health emergency’ sa pamamagitan ng Proclamation 922 noong Marso 2020 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Pinalawig naman ito ni Pangulong Bongbong Marcos hanggang Disyembre 31, 2022.

 

 

Iginiit ni Vergeire na isa pa rin sa pangunahing paraan para makaalpas sa ‘state of emergency’ ang pagpapabakuna ng publiko, maging sa ikalawang booster.

 

 

Sa kasalukuyan, nasa 603,905 healthcare wor­kers ang nababakunahan ng second booster habang nasa 592,202 pa ang hindi nagpapabakuna nito.

 

 

Inamin ni Vergeire na isang malaking hamon ang paghikayat sa taumbayan na magpaturok ng second booster lalo’t maging mga healthcare workers ay hindi nagpapabakuna nito.

Other News
  • Diokno, ipinagkibit-balikat ang panawagan na magbitiw sa puwesto, binati ang mga kritiko ng “Have a wonderful weekend!”

    IPINAGKIBIT- balikat lang ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno ang panawagan ng grupo ng mga magsasaka na magbitiw sila sa puwesto ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.    Ang apela ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ay matapos na ipanukala nina Diokno at Balisacan na tapyasan ang tariff rate sa rice imports […]

  • Pasabog ni Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng SAP, watusi lang- Sec. Roque

    WATUSI lang kung ituring ng Malakanyang ang alegasyon ni Senado Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng Social Amelioration Program (SAP).   “Watusi po. Akala ko atom bomb ‘yon pala watusi. Wala po . walang kuwenta kasi puro generalized allegations po. Walang bill of particulars. Walang specific instance, walang ebidensiya, wala man […]

  • Pagpapalabas ng P1.5B augmentation funds para sa mga LGUs na matinding sinalanta ng bagyong Ulysses

    INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang P1.5 billion na augmentation funds para sa local government units (LGUs) na matinding tinamaan ng bagyong  Ulysses.   Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na hiwalay ang  P1.5 billion augmentation fund sa ibinigay na pondo para sa CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol, mga rehiyon na sinalanta naman ng mga bagyong […]