• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: Pagbibigay ng prangkisa sa premium taxi, suspendido

SINUSPINDE  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtanggap ng aplikasyon at pagbibigay ng prangkisa sa mga premium taxis sa buong bansa dahil sa alegasyon na may illegal sa kanilang operasyon.

 

 

Noong Dec. 13 ay naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2022-080 na nagsusupinde sa pagbibigay ng prangkisa sa mga premium taxis. Ang memorandum circular ay nilagdaan ng dating officer-in-charge Riza Marie Paches at board member Mercy Jane Leynes.

 

 

“We received reports that premium taxi operators are engaged in schemes that did not comply with their franchise to operate and inconvenienced passengers,” wika ng LTFRB.

 

 

Ang premium taxi ay inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng “taxi modernization program” ng pamahalaan na nakaloob sa Department Order 2019-007.

 

 

May meter-based rate ang charge sa premium taxi katulad ng sa regular taxis. Ang premium taxis ay mga multi-purpose vans, utility vans o di kaya ay sports utility vehicles samantalang ang taxis ay sedans.

 

 

Ayon sa LTFRB na ang mga operators at drivers ng premium taxi ay gumagamit ng “ulo-ulo” scheme kung saan ang pasahero ay hinihingan ng bayad kada taon na dapat sana ay ang pinayagan na meter-based rate ng LTFRB. Ang ganitong paraan ay bawal sa provisions ng kanilang prangkisa.

 

 

Habang ang ibang operators at drivers ay gumawa ng terminals sa mga lansangan kung saan ang mga ito ay kumukuha ng mga pasahero na dapat sana ay tumatakbo ng paikot-ikot ang mga premium taxis sa mga lansangan upang kumuha ng mga pasahero.

 

 

“The technical division proposed to suspend the acceptance of application of new certificate of public convenience (CPC) to operate premium taxi service due to reports that premium taxis are operating a terminal or an ulo-ulo scheme,” dagdag ng LTFRB.

 

 

May mga nahuli na ang LTFRB na premium taxis na lumabag sa regulasyon at na-impound ang mga sasakyan.

 

 

Dahil dito ang ibang denominations ng transport group tulad ng UV Express ay nag-apela sa LTFRB na suspendihin muna ang pagbibigay ng prangki sa sa mga premium taxis dahil sa mga violations na ginagawa ng mga ito na siyang nagreresulta sa pagkakaroon ng unfair competition.

 

 

“The acceptance of applications for the issuance of new CPCs for premium taxi services shall be suspended pending the amendment of the Department of Transportation order that prescribes guidelines for the denomination,” saad ng LTFRB.  LASACMAR

Other News
  • SHAINA, ‘positively negative’ na sa COVID-19 kaya ready nang bumalik sa lock-in taping

    ISA rin si Shaina Magdayao na nag-positive sa Omicron variant ng COVID-19 at pagkaraan nga isang linggo ay gumaling na siya.     Kaya nag-post sa kanyang Instagram account ng, “Positively #negative Finally!”     Sabi pa ng award-winning actress, “Now that wasn’t “mild” “At all. I think I experienced all the symptoms haha from fever to […]

  • Bibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng OFW na si Mary Anne Daynolo

    TUTUPARIN ng pamahalaan ang pangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng Pinay worker na si Mary Anne Daynolo.   Si Mary Anne Daynolo ay isang OFW na nawawala mula noong March 4, 2020 10:30 PM (Abu Dhabi time) sa kanyang pinagtatrabuhan sa The St. Regis Saadiyat Island Resort, Abu […]

  • Thankful na naimbita na maging host ng show: GLAIZA, inaming aware sila sa mga isyu kaya mas nagiging maingat

    THANKFUL si Kapuso actress Glaiza de Castro, na naimbita siyang maging isa sa mga hosts ng noontime show na “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. na napapanood sa GMA-7, Mondays to Saturdays.       Ini-enjoy daw niya ang mga ginagawa nila sa show with her co-hosts.     “Thankful ako, kasi akala ko, mga isa, o […]