• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga motorsiklo papayagan na dumaan sa bike lane sa Valenzuela

INANUNSYO ni Valenzuela City Mayor WES Gatchalian na papayagan na ang mga single motorcycle na dumaan sa designated bike lane sa lungsod simula December 25, 2022.

 

 

Ito’y base sa nilagdaang City Ordinance No. 1064, Series of 2022, kung saan ang mga single motorcycle ay puwede na gamitin ang bike lane sa kahabaan ng Mc Arthur Highway simula Lunes hanggang Biyernes lang.

 

 

“Ito po malamang ay Christmas gift na rin natin sa ating mga motorista. Papayagan na pong dumaan ang mga single motorcycle sa designated bike lane natin sa Mc Arthur Highway,” pahayag ni Mayor WES.

 

 

Gayunman, pinaalalahanan ng alkalde ang mga nagmomotorsiklo na dapat ay hanggang 20 kilometro-per-hour lamang ang speed limit ng pagpapatakbo ng motorsiklo kung dadaan dito.

 

 

Samantala, hindi naman papayagan ang mga tricycle at pediceb driver’s na dumaan sa kahabaan ng Mc Arthur Highway.

 

 

Dagdag niya, ito ang naisip na sulusyon ng pamahalaang lungsod upang maibsan ang pagsisikip ng daloy trapiko sa ngayong kapaskuhan. (Richard Mesa)

Other News
  • DILG, ipinag-utos sa lahat ng LGU na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagvivideoke ngayong holiday season

    HINIKAYAT ng Department of Interior and Local Govt (DILG) ang Local Government Unit (LGU) na magpasa ng ordinansa na magbabawal   na muna sa pag- karaoke sa pampublikong lugar ngayong Holiday season.   Ito’y upang makaiwas sa paglaganap ng Covid-19.   Ayon kay DILG Usec Jonathan Malaya sa Laging Handa public press briefing, ang parusa sa mga […]

  • Ads August 14, 2024

  • Valenzuela LGU, magbibigay ng educational sa incentives graduating students

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng educational incentives sa mga graduating students sa pampublikong elementarya at senior high school para matulungan at kilalanin ang kanilang pagsisikap na maging mahusay sa kanilang pag-aaral.     Aabot 16,252 graduating students ang makakatanggap ng educational incentives na nagkakahalaga ng Php1,500 sa ilalim ng Ordinance No. 551, Series […]