DILG, ipinag-utos sa lahat ng LGU na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagvivideoke ngayong holiday season
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng Department of Interior and Local Govt (DILG) ang Local Government Unit (LGU) na magpasa ng ordinansa na magbabawal na muna sa pag- karaoke sa pampublikong lugar ngayong Holiday season.
Ito’y upang makaiwas sa paglaganap ng Covid-19.
Ayon kay DILG Usec Jonathan Malaya sa Laging Handa public press briefing, ang parusa sa mga lalabag sa pagvi-videoke sa mga pampublikong lugar ang siyang magdedetermina sa parusang kakaharapin ng sinumang susuway sa ordinansa.
Subalit, ang paglilinaw ng opisyal, tanging ang pagvivideoke sa pampublikong lugar o maramihang pagvi-videoke ang ipinagbabawal.
Puwede naman aniyang mag-videoke sa loob ng tahanan basta’t ang magpapamilya lamang ang kakanta at walang iimbitahang iba.
Batay kasi sa pag-aaral malaki ang tyansa na makahawa ng virus kapag naghihiraman ng mic at sa ilalim ng GCQ rules mahigpit paring ipinagbabawal ang malakihang pagtitipon.
Sa kabilang dako, ang pakiusap ng Kalihim ay gawing solemn ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon at bumawi na lang sa susunod na Pasko kapag may bakuna na laban sa Covid -19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
P5-trillion national budget, imumungkahi ni PDu30 bago matapos ang termino sa Hunyo ng susunod na taon
IMINUMUNGKAHI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang P5-trillion national budget bago matapos ang kanyang termino. Nitong Lunes, inaprubahan na ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), isang inter-agency body na ang atas ay magtakda ng macroeconomic targets ng bansa, ang P5.024 trillion expenditure ceiling para sa taong 2022. Ayon sa DBCC, ang 2022 National […]
-
Ads September 7, 2022
-
9 patay sa COVID sa CAMANAVA
Siyam ang patay sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area sa COVID-19 nitong Marso 11, habang umakyat sa 2,133 ang active cases at sumipa sa 1,243 death toll. Sa Caloocan City, 488 na ang namamatay at 520 ang active cases, samantalang 15,216 ang confirmed cases at 14,208 na ang total recoveries. Isa naman ang […]