Sa pagkamatay ni JoMa Sison: Marks end of an era, hopefully ends insurgencies
- Published on December 21, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison ay tanda ng “end of an era” na inaasahan niya na “end of insurgencies in the Philippines.”
Sa isang kalatas, nagpaabot ng pakikidalamhati si Duterte sa pamilya Sison, ipinagdarasal niya ang kapayapaan sa bansa.
Inilarawan ni Duterte si Sison bilang “someone known for his radical ideas that affected the course of the country’s history.”
“While Mr. Sison and I have had many disagreements—especially in the ways in which he chose to pursue and effect change in the country—I would like to believe that, at the end of the day, we shared the same dream of creating a better future for every Filipino,” ani Duterte.
“His death certainly marks the end of an era, and it is my hope that, with it, the end of insurgencies in the Philippines and the revolutionary movement that he has founded as well,” dagdag na wika nito.
Nanawagan din si Duterte para sa pagtatayo ng “more harmonious and united country for future generations.”
SA ulat, pumanaw na ang founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria “Joma” Sison, na nasa self-exile sa Netherlands, sa edad 83.
Ito ang inanunsyo ng CPP chief information officer na si Marco Valbuena.
“Prof. Jose Ma. Sison, founding chair of the Communist Party of the Philippines, passed away at around 8:40 p.m. (Philippine time) after two weeks of confinement in the hospital,” sabi ni Valbuena.
“The Filipino proletariat and toiling people grieve the death of their teacher and guiding light,” dagdag niya.
Itinatag ni Sison, isang aktibista, ang makakaliwang rebolusyonaryong organisasyon na CPP noong Disyembre 1968.
Limang dekada nang inilulunsad ng CPP ang pagrerebelde laban sa gobyerno, kasama ang armadong grupo nitong New People’s Army (NPA) and political arm National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
“The entire Communist Party of the Philippines gives the highest possible tribute to its founding chairman, great Marxist-Leninist-Maoist thinker, patriot, internationalist and revolutionary leader,” sabi ni Valbuena.
“The entire Communist Party of the Philippines gives the highest possible tribute to its founding chairman, great Marxist-Leninist-Maoist thinker, patriot, internationalist and revolutionary leader,” dagdag pa niya. (Daris Jose)
-
P102-B rehab ng NAIA, tengga sa mga isyu
Naaantala ang P102 billion na proposal ng consortium ng pitong conglomerates upang sumailalim sa rehabilitation ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil kailangan munang bigyan pansin ang mga issues na nauukol dito. Sa isang panayam kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, kanyang sinabi na may dalawang issues ang hindi pa nareresolba ng consortium […]
-
Mga nasirang simbahan ng bagyong Odette, ipapagawa ng Caritas Manila
TULUYAN nang maipapagawa ang mga simbahan at chapels na winasak ng bagyong Odette sa 10-diyosesis ng Simbahang Katolika sa Visayas at Mindanao. Ito’y sa tulong ng matagumpay na PADAYON ONLINE CONCERT ng Caritas Manila na pinangunahan ng Viva artists noong March 25,2022 kung ang malilikom na pondo ay ipapagawa sa mga nasirang simbahan. […]
-
Miting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Marcos Jr., bago ang inagurasyon, wala pang iskedyul-Andanar
WALA pang naitatakdang araw at petsa sa meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presumptive president Ferdinand Marcos Jr. “Wala pang sinasabi sa amin. We will wait for further announcement,” ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) at acting presidential spokesperson Secretary Martin Andanar. “I don’t have information on […]