• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Substitute bill para sa proteksyon ng mga turista at pinag-ibayong serbisyo, aprubado

Inaprubahan ng House Committee on Tourism ang substitute bill sa apat na panukala na naglalayong bigyan ng proteksyon at pinag-ibayong serbisyo ang mga turista.

 

Ito ay House Bill 1206 ni Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo, HB 3684 ni Rep. Jake Vincent Villa, HB 3954 ni Rep. Alfred Vargas at HB 4839 ni Rep. Francisco Jose Matugas II.

 

Pinangunahan ni Bohol Rep. Edgar Chatto ang TWG na bumalangkas sa panukala, na nagsabing ginamit nila bilang working template ang HB 4839 sa kanilang pagpupulong.

 

Sa paliwanag ni Matugas sa kanyang HB 4839, sinabi niya na layunin ng panukala na tugunan ang mga pag-aalinlangan ng mga turista na nagnanais bumisita sa bansa, sa mga usapin hinggil sa kakulangan ng mga mapagkakatiwalaang pasilidad ng telekomunikasyon, ang pananaw na ang bansa ay hindi ligtas na lugar para sa mga turista, at mga balitang pinagkakakitaan umano ng husto ng mga lokal ang mga turista.

 

Ang substitute bill ay mag-aamyenda sa Republic Act 9593 o ang “Tourism Act of 2009.” Sinabi ni Chatto na layon ng substitute bill na magtatag ng Tourist Protection and Enhanced Services Inter-Agency Task force na pamumunuan ng kalihim ng Kagawaran ng Turismo. (ARA ROMERO)

Other News
  • 4,600 katao apektado ng bagyong ‘Florita’ habang libo mahigit lumikas

    LIBU-LIBO na ang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Florita habang marami pa ang lumikas na papunta sa loob at labas ng mga evacuation centers.     Aabot na sa 4,646 katao na ang sinasabing nasalanta ng naturang bagyo, na ngayo’y nasa labas na ng Philippine area of responsibility, ayon sa tala ng National Disaster Risk […]

  • Gobyerno on track sa laban vs kahirapan, gutom

    ANG RESULTA ng isang recent survey na nagbanggit ng bahagyang pagbaba nang mahigit isang milyong pamilyang nakararanas ng gutom at kahirapan ay patunay na epektibo ang mga direktiba at programa ng gobyerno sa sektor ng agrikultura.     Ito ay ayon kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Lope Santos III, na ginawa ang pahayag matapos […]

  • Security guard patay sa sunog sa Valenzuela

    ISANG security guard ang namatay habang malubha naman ang lagay ng kasama nito matapos sumiklab ang sunog sa isang factory at warehouse sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Ang katawan ni Joselito Pelic ay nakuha mula sa natupok na factory ng Gilvan Packaging Corporation habang ang kanyang kasama na kinilalang si Nestor […]