Overwhelmed sa mga papuring natatanggap: JAKE, sobrang tapang kaya ‘di matatawaran ang pagiging aktor
- Published on December 22, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI talaga matatawaran ang pagiging isang ‘actor’ ng isang Jake Cuenca.
Talagang siya ‘yung tipo ng artista na napaka-seryoso sa kanyang propesyon. Never na nagpa-petiks-petiks.
Bukod dito, siya rin ang actor sa mga kasabayan na lang niya na napakatapang. Kung tinatanggihan ng iba, si Jake, niyayakap niya ang mga roles na pwedeng “taboo” o hindi talaga kayang gawin ng iba.
Nakikita namin ang dahilan ni Jake kung bakit katulad na lang sa 2022 Metro Manila Film Festival entry niya under 3:16 Media Networks at Mentorque Productions, ang “My Father, Myself,” sobrang in-embrace ni Jake ang kanyang character bilang pamilyadong tao, pero closet gay pala.
Ang mga intimate scenes nila ni Sean de Guzman, ang dahilan, “he is an actor.” Yun lang, period.
Palagi naming sinasabi na sana, si Jake ang mag-uwi ng Best Actor trophy for this year’s MMFF dahil deserve na deserve niya.
Mas lalo pa namin itong nasabi nang mapanood na namin ang “My Father, Myself” na dinirek ni Direk Joel Lamangan sa premiere night.
Sa isang banda, overwhelmed si Jake na first time na napanood ang ginawa at sa mga nakukuhang reaksiyon mula sa mga nanoood ng premiere night.
Sabi ni Jake, “Hindi ko alam kung magagalit. Hindi ko alam kung tatanggapin nila ‘to. Hindi ko alam kung magugustuhan nila.
“Pero kita niyo naman no’ng matapos ang movie, nagpalakpakan ang mga tao, nagsisigawan ng Best Actor, so for me, sobrang nakaka-overwhelmed ng feeling.”
***
MARUNONG talagang sumagot at humarap ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez sa kahit sinong mga bashers o netizens na uma-attack sa kanya.
Pinagdaanan na rin yata ni Janine ang iba’t-ibang bashers. Merong tungkol sa mga political views niya, networks, lovelife at iba pa.
Pero this time, who would thought na bukod sa ganda ay ang kaseksihan naman ni Janine ang makukuwestiyon.
May gustong mag-body shaming sa actress. Sinabihan siya na malaki at tiyan at kinuwestiyon kung buntis daw ba siya.
Maganda ang sagot ni Janine na very matter-of-fact talaga. Sey niya sa netizen, “PMS bloat actually and I’ve been holiday eating since wala pang taping. It’s okay to enjoy the off season.
“Diet na ulit after Christmas. Sana masarap din kain mo this December.”
-
Pope Francis, magsasagawa ng misa sa Vatican para sa 500th anniv ng Kristyanismo sa PH
Pangungunahan ni Pope Francis ang mga Pilipino sa Italy sa selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas. Ayon kay Scalabrinian Father Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Rome, magsasagawa ng Misa ang Santo Papa sa St. Peter’s Basilica sa Marso 14 dakong alas-10:00 ng umaga. Ngunit dahil sa nagpapatuloy na […]
-
Ads December 29, 2023
-
Golden State Warriors tinanghal na kampeon muli sa NBA matapos makuha ang Game 6 vs Boston Celtics
MULING kinilalang world champions ang Golden State Warriors matapos na tapusin ang best-of-seven series ng NBA Finals sa 4-2 record. Makasaysayan ang ginawa ng Warriors nang makuha ang panalo sa Game 6 doon mismo sa homecourt ng Boston sa score na 103-90 sa harap ng mahigit sa 19,000 fans. Ito na ang ikaapat na […]