• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos sa LGUs: Maglagay ng common area sa fireworks display

UPANG mabawasan ang pinsala na dulot ng paputok, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga local government units (LGUs) na maglagay ng common area para sa fireworks display sa pagsalubong sa Bagong Taon.

 

 

Ayon sa Pangulo, mas makakabuti kung gagawa na lamang ang mga LGUs ng magandang fireworks display na panonoorin ng kanilang mga constituents.

 

 

Pero binalaan din niya ang mga Pilipino tungkol sa mga panganib at epekto sa kalusugan nang paggamit ng paputok lalo na ang mga hindi nag-iingat at hindi isinasaalang-alang ang kaligtasan ng iba.

 

 

“Huwag muna tayong magpaputok at alam naman natin kung minsan delikado ‘yan. Lalo na ngayon at maglalabas sila ng mga paputok na hindi natin alam kung saan galing, kung maayos ang pagkagawa,” ani Marcos.

 

 

Nauna nang napansin ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng mga pinsalang may kaugnayan sa paputok sa bansa base sa mga numero sa mga nakaraang taon.

 

 

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, sa isang forum nitong Martes, na 122 kaso ang naitala noong 2020, habang 128 ang naiulat noong nakaraang taon.

 

 

Pinalakas naman ng Philippine National Police ang pagsisikap na magsagawa ng cyber patrol, pagkum­piska at pagsira sa mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnics upang maprotektahan ang publiko. (Daris Jose)

Other News
  • Saudi Arabia napiling host ng 2034 FIFA World Cup

    OPISYAL na inanunsiyo ng FIFA na ang magiging susunod na host ng FIFA World Cup 2030 at 2034.     Ang 2030 edition ay paghahatian ng mga bansang Spain, Portugal at Morocco.     Habang ang 2034 edition ay ang Saudi Arabia na siyang bukod tanging nag-bid para makuha ang hosting.     Maraming grupo […]

  • Panukala na magsususpendi sa pagtataas ng kontribusyon sa SSS aprubado sa komite

    Inaprubahan ng House Committee on Government Enterprises and Privatization ang mga panukala na naglalayong suspindihin ang pagtataas ng kabayaran sa kontribusyon ng Social Security System (SSS) ngayong 2021.     Ito ang House Bills 8317, 8304, 8313, 8315, at 8422 na pag-iisahin sa isang binuong technical working group (TWG) sa natrurang pagdinig.     Binigyang […]

  • Evangelista, Santor hinirang na MOS

    HINIRANG sina Aishel Evangelista ng Betta Ca­loocan Swim Team at Patricia Mae Santor ng Ilus­tre East Swim bilang Most Outstanding Swimmer (MOS) sa pagtatapos ng “Go Full Speedo’ Swim Series Long Course Swimming Leg 1 kamakalawa sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.   Nanguna ang 14-an­yos na si Evangelis­ta, Grade 10 student sa […]