• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagbigay ng regalo, tulong sa mga vulnerable Pinoy bilang maagang Pamasko

NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng regalo at tulong sa mga bata, pamilya at indigenous peoples sa Rizal Park, Manila bilang maagang pamasko.

 

 

“Sa ating mga beneficiary, Merry Christmas! Alam ninyo po, lagi kong sinasabi paulit-ulit, eh kako ‘yung Pasko, parang ‘yung Pilipino akala natin tayo nag-imbento ng Pasko eh, kung magcelebrate tayo eh…” ang mensahe ni Pangulong Marcos.

 

 

“Kahit papano, kahit naghihirap tayo ngayon, kahit mayroon pa ring pandemya nang kaunti, ‘yung ekonomiya, dahan-dahan pa lang bumabalik, kahit papano nakakaraos pa rin tayo…” dagdag na wika ni Pangulong Marcos.

 

 

Ang Pangkabuhayan at Pamaskong Handog ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayanang Pilipino  ay joint activity ng Office of the President at Department of Social Welfare and Development, na naglalayong ilapit ang gobyerno sa vulnerable sector ng lipunan.

 

 

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa mga benepisaryo na palaging nandyan ang gobyerno para ibigay ang pangangailangan ng mga ito at tulungan sila sa kanilang kabuhayan.

 

 

“Itong aming kaunting tulong sa inyo, hindi lang po ngayong Pasko. Alam ninyo po, asahan po ninyo kayo ay ang laging nasa isip namin. Ito, itong mga DSWD dito, araw-araw ‘yan, 24/7 iniisip nila kung papaano namin kayong tutulungan, kung papaano pa ang aming pwedeng gawin para nga kahit papaano, kahit nakalampas na ‘yung Pasko, ‘yung New Year eh patuloy pa rin ang aming tulong sa inyo,” anito.

 

 

Sa kabilang dako sinabi naman ng DSWD na ang  financial aid na nagkakahalaga ng P10,000, hygiene kits, at food packs ay ibinahagi sa 574 pamilya na  identified ng local government units sa Kalakhang Maynila.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na ang event ay para sa mga bata upang sa gayon ay maramdaman ng mga ito ang diwa ng  Pasko, tinatayang 400 na nga bata ang nakatanggap ng   gift packs kabilang na ang laruan, libro at damit.

 

 

Samantala, Inimbitahan naman ni Pangulong Marcos ang mga benepisaryo na bisitahin ang Malacañang Palace, tingnan ang Christmas displays, at dumalo sa Simbang Gabi.

 

 

“Welcome kayong lahat. Bukas na ang Palasyo. Hindi ko naman bahay ‘yan eh, bahay niyo ‘yan eh. Kaya binuksan ko na,” ayon wika ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Martin and Pops, ‘nagkabalikan’ sa eXes & whYs

    Proud parents sina Martin Nievera at Pops Fernandez sa anak nilang si Robin Nievera na direktor na nila ngayon sa kanilang bagong show sa Cignal TV para sa Colours.   Swak na swak pa ang title na eXes & whYs with Pops and Martin na magsisimula na sa Sabado, December 19 ng alas-nuwebe ng gabi. […]

  • 3 miyembro ng PH Air Force patay nang masunog ang sasakyan

    PATAY ang tatlong katao matapos na bumangga ang kanilang sinasakyang kotse sa isang concrete barrier sa kahabaan ng EDSA-Santolan sa Quezon City.     Naganap ang insidente pasado alas-dos madaling araw nitong Pebrero 18 kung saan matapos na bumangga ang kotse ay nagliyab pa ito.     Matatagpuan ang concrete barrier sa busway southbound ilang […]

  • CENTENARIAN NAKATANGGAP NG P10K REGALO MULA SA NAVOTAS LGU

    NAKATANGGAP ng P10,000 cash na regalo mula sa Pamahalaan Lungsod ng Navotas ang isang  centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100th kaarawan kamakailan sa lungsod.     Personal na binisita para batiin at inabot ni Mayor Toby Tiangco, kasama si Cong. John Rey Tiangco at ilang konsehal ng lungsod ang P10,000 cash na regalo kay Lola […]