• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Martin and Pops, ‘nagkabalikan’ sa eXes & whYs

Proud parents sina Martin Nievera at Pops Fernandez sa anak nilang si Robin Nievera na direktor na nila ngayon sa kanilang bagong show sa Cignal TV para sa Colours.

 

Swak na swak pa ang title na eXes & whYs with Pops and Martin na magsisimula na sa Sabado, December 19 ng alas-nuwebe ng gabi.

 

Sa totoo lang, wala pang napanood si Robin na kahit isang episode ng programang Penthouse Live ng kanyang magulang, pero sabi niya mala-ganundin daw ang tipo ng show pero siyempre, ang laki na ng kaibahan ngayon sa panahon ng digital at social media.

 

Sabi naman ng musical director nilang si Louie Ocampo, parang behind the scenes daw ang mapapanood sa bagong programang ito. Halos wala na ngang script dahil sa sobrang komportable na ng dating mag-asawa sa isa’t isa.

 

Pero kahit kayang-kaya nang dalhin nina Martin at Pops ang buong show, ipinaubaya pa rin niya kay Robin ang lahat. Kaya nga ang anak daw nila ang boss sa buong show, na hindi naman matanggap ng kanilang anak.

 

“I think Robin hit the nail on the head because he knows both of us so well, that he allows us to be who we are and then bahala na siya sa editing…bahala na siya dun,” pahayag ni Martin.

 

Bukod sa eXes & whYs tuwing Sabado ng gabi, every Sunday naman ay kasama rin si Robin sa programa nila ni Louie Ocampo na pinamagatang Louie O Live.

 

Pareho silang musicians, magkakaiba lang ng tunog at atake bilang nasa huling heneras­ yon naman si Robin.

 

Pero sabi nga ni Robin, very organic lang daw ang show nila ni Louie na magbibigay daan din sa iba pang mga bago at nagsisimula ring mga musicians. “We’re both composers. We’re both musicians. It’s a very different levels of that industry but we wanted to take everyone in between us…the experience, the brand new, the up and coming.

 

“We all wanted to take the platform for them and show what musicians can really do with very little…you know what I mean,” saad pa ni Robin.

 

Mapapanood ang mga bagong programang ito sa Colours na available sa Cignal TV CH, 202 HD at CH 60 SD. Sa mga hindi pa subscriber ng Cignal, puwede kayong kumontak sa telepono 88885555, 09499977600 to 7603 o sa sales@cignaltv.

Other News
  • WHO official: ‘Hindi lockdown ang pangunahing responde sa COVID-19’

    MISMONG special envoy ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19 ang nagsabi: hindi suportado ng organisasyon ang mga lockdown bilang hakbang sa pagkontrol ng coronavirus.   Sa isang panayam, sinabi ni Dr. David Nabarro na ang masyadong pag-depende ng mga bansa sa lockdown ay posibleng magbunga ng hindi magandang epekto sa global economy.   […]

  • Djokovic bigong makapasok sa semis ng Monte Carlo Masters

    Bigong makapasok sa semi-finals ng Monte Carlo Masters si world number one Novak Djokovic.     Tinalo kasi siya ni Dan Evans ng Britanya. Nakuha ni Evans ang Score na 6-4, 7-5 para tuluyang ilampaso si Djokovic.     Ito ang unang pagkatalo ngayon taon ni Djokovic na unang nagwagi sa Australian Open noong Pebrero. […]

  • Pinas, mananatili sa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) araw ng Miyerkules, Disyembre 29, 2021, ang rekomendasyon na manatili ang lahat ng lalawigan, highly urbanized cities, at independent component cities sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 1 hanggang Enero 15, 2022.   Gayundin, ipinalabas ng IATF ang updated country risk classification epektibo Enero 1, 2022 hanggang […]