• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Toll holidays sa SLEX at ibang tollways

MAGBIBIGAY ng toll holidays ang San Miguel Infrastructure sa South Luzon Expressway (SLEX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR), Skyway, Ninoy Aquino International Airport Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway ngayon Christams at New Year Holidays.

 

 

Ayon kay SMC president Ramon Ang, ang toll holiday ay ipapatupad sa Dec. 24 simula 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga ng Dec. 25. Sa New Year naman, Dec. 31 ay magsisumula ng 10:00 ng gabi hanggang Jan. 1, 2023 ng 6:00 ng umaga.

 

 

Upang makatulong sa magandang daloy ng traffic, ang SMC Infrastructure ay magpapadala ng karagdagang traffic management personnel sa lahat ng tollways upang magbigay ng roadside assistance sa mga motorista at ng makatulong din sa pagaayos ng flow ng mga sasakyan sa mga exit points ng tollways.

 

 

“We appeal to motorists for their patience and understanding as we anticipate heavy traffic. Apart from the deployment of additional personnel, we have also launched Seamless Southern Tollways initiative, which cuts down toll stops for motorists headed south through the Skyway, SLEX and STAR from five to just two,” wika ni Ang.

 

 

Ang mga karagdagan personnel na ilalagay ay ang mga ambulant tellers, na siyang mamahala upang magkaron ng mabilis na vehicle throughput sa mga toll plazas sa pamamagitan ng scanning ng Autosweep cards sa mga pila. Kung kaya’t pinaaalalahanan ang mga motorista na laging dalahin ang kanilang Autwosweep ETC cards.

 

 

Sa kabilang dako naman, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nagbigay ng special permits sa mga buses na papuntang mga probinsiya upang makayanan ang exodus ng mga holiday revelers ngayon pasko.

 

 

Mahigit nang 600 public utility vehicles ang nabigyan ng special permits upang magsakay ng mga pasahero papuntang mga probinsiya.

 

 

Nakatangap naman ang LTFRB ng 208 na mga reklamo laban sa mga taxi drivers na ayaw magsakay sa gitna ng malalang traffic sa Metro Manila ngayon kapaskuhan.

 

 

Ang mga reklamo ay naitala mula Dec. 1 hanggang 19 dahil sa ginagawang panghuhuli ng mga taxi drivers na ayaw kumuha at magsakay ng pasahero o di kaya ay humihing sila ng sobrang bayad.

 

 

Kung kaya’t nagbabala ang LTFRB na kung sino man ang mahuhuli na lumalabag sa batas ay mabibigyan ng multang P5,000 hanggang P15,000 depende sa dami ng offenses ng ginawa ng drivers.

 

 

Ang kanilang mga sasakyan ay maaari rin kunin ng mga tauhan ng LTFRB at kakanselahin ang kanilang prangkisa. Bibigyan din ng multang P1,000 and driver at sasailalim ng “drivers’ academy program.”  LASACMAR

Other News
  • Hindi pa bakunadong mga guro, pwede na rin magturo sa darating na pasukan – DepEd

    PAHIHINTULUTAN na ng Department of Education (DepEd) na muling makapagturo sa darating na pasukan ang mga hindi pa bakunadong mga guro sa bansa.     Ayon kay DepEd Usec. Revsee Escobedo sa isang pahayag na papayagan na ng kagawaran na magturo ang lahat ng guro sa bansa bakunado man o hindi.     Basta’t pananatilihin […]

  • Internet speed sa Pinas, bumuti

    BUMUTI ang internet speed sa Pilipinas sa huling buwan ng 2022, sa pinakabagong datos na ipinalabas ng global speed monitoring firm Speedtest by Ookla.     Batay sa pinakabagong Ookla Speedtest Global Index report, tumaas ang mobile download at fixed broadband speeds para sa bansa noong December.     Tumaas ang mobile median download ng […]

  • Brent Paraiso nagbabu na sa Letran Knights

    PAGKALARO sa dalawang magkakaibang collegiate league at makatikim ng gayung dami ng kampeonato, pro rank na ang bet sa papasok na taon ni Brent Paraiso ng bagong koronang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball three-peat champion Letran Knights.     Kasapi rin siya ng La Salle Green Archers na namayagpag sa 79th University […]