Bulacan, iilawan ang Christmas tree na hango sa modernong disenyo
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang mga pagsubok na naranasan ng lalawigan sa mga nakaraang buwan, opisyal nang iilawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando ang 35 na talampakang Christmas tree sa harap ng gusali ng Kapitolyo sa Biyernes, Disyembre 4, 2020, ika-5:00 ng hapon upang ikintal sa mga Bulakenyo na mayroong pag-asa sa kabila ng lahat.
Hango sa modernong disenyo, dama pa rin ang diwa ng Bulakenyo kung saan isang malaking hugis bituin na parol na yari sa singkaban ang nakalagay sa itaas ng Christmas tree na sumisimbolo ng liwanag at pag-asa matapos ang nakaraang kalamidad at kasalukuyang pandemya.
Ayon kay Imelda B. Arabe, arkitekto at nag-disenyo ng Christmas tree, ang disenyo ngayong taon ay binubuo ng 100 magkakaibang sukat na makukulay na Christmas wired balls at 100,000 na Christmas lights na magbibigay liwanag sa harap ng Kapitolyo.
Sinabi ni Fernando na ang pagpapailaw ng Christmas tree ay magdadala ng ligaya at pag-asa sa mga Bulakenyo at magpapaalala sa kanila na tuloy pa rin ang Pasko sa kabila ng pandemya na kinakaharap ng buong mundo.
“Sa pag-iilaw ng ating Christmas tree dito sa Kapitolyo, muli nitong ipinapaalala ang diwa ng pagkakaisa nating mga Bulakenyo lalo na sa oras ng krisis at paghihirap. Ito ang magsisilbing liwanag sa kabila ng dagok at dilim ng mga nangyari. Sana ay maging inspirasyon din ito para magbahagi tayo ng biyaya sa kapwa natin na nangangailangan,” anang gobernador.
Bago ang opisyal na pag-iilaw ng Christmas tree, tutugtog ang Bulacan Brass Band sa Hiyas ng Bulacan Convention Center at iaanunsyo naman ng the Provincial History Arts, Culture and Tourism Office ang mga nagwagi sa Paskong Bulacan Online Song Writing Competition. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads March 16, 2021
-
Chinese coach gagawing consultant ni Diaz
Kung hindi makukumbinsi ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz si Gao Kaiwen na bumalik bilang head coach ay kukunin na lamang niya ang Chinese bilang consultant. Sinabi ni Diaz kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast na planado na ang lahat sakaling piliin ng 64-anyos na si Gao ang kanyang pamilya […]
-
Commuters, motorcycle taxi drivers panalo sa Grab-MoveIt deal – consumer group
PINURI ng isang consumer group ang pakikipagtambalan ng Grab Philippines sa motorcycle taxi firm na MoveIt dahil anito’y makatutulong ito upang lalong maibsan ang paghihirap sa pagbibiyahe ng mga Pinoy commuter, lalo na sa Metro Manila. Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente (BK3), ang investment deal sa pagitan ng Grab at MoveIt ay […]