• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Criminal group member, timbog sa baril at granada sa Malabon

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng isang miyembro ng criminal group na sangkot umano sa serye ng robbery holdup sa northern part ng Metro Manila matapos madamba ng pulisya sa loob ng isang palengke sa Malabon City.

 

 

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Amante Daro, naaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Lt. Richel Sinel at Police Sub-Station-6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Carlos Cosme, Jr. si Alfredo Almario, Jr. 50, listed bilang miyembro ng notoryus “Salibio Criminal Group” sa loob ng Malabon Public Market sa F. Sevilla St. Barangay Tañong dakong alas-11:45 ng gabi.

 

 

Sinabi ni Col. Daro na unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SIS mula sa Barangay Information Network (BIN) hinggil sa resensya ng isa sa mga niyembro ng Salibio Criminal Group habang gumagala sa loob ng naturang palengke na may nakasukbit na baril sa kanyang baywang.

 

 

Kaagad nakipag-ugnayan si Lt. Sinel kay PLt Benedicto Zafra, Deputy Commander ng SS6 saka ikinasa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos walang maipakitang kaukulang mga dokumento sad ala niyang baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang caliber .38 revolver na kargado ng limang bala at isang MK2 hand grenade na nakuha sa loob ng dala niyang itim na belt bag.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon police sa matagumpay na pagkakaaresto sa umano’y notosyur na miyembro ng criminal group.

 

 

Ani Col. Daro, kakahasuhan nila ang suspek ng paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions at RA 9516  o ang Unlawful Possession of Explosives sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Inaasahan na sasagot ang kampo ng aktres: OGIE, naghain ng counter affidavit sa cyber libel case na isinampa ni BEA

    NITONG Martes, June 18 ay naghain na si Ogie Diaz ng counter affidavit sa reklamong cyber libel na isinampa laban sa kanya ni Bea Alonzo, kasama ng dalawa niyang co-host.   Sa isang press statement, ipinahayag ng abogado ng online host na si Regie Tongol na naghain naman ng counter-charge si Ogie ng perjury na […]

  • Payroll ng mga empleyado nananatiling ‘intact’ sa gitna ng napaulat na online banking fraud — DepEd

    TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na nananatiling “intact” ang payroll ng mga empleyado nito sa gitna ng insidente ng online banking scams na iniulat ng ilang mga guro.     “[The] DepEd payroll system is intact. It was not hacked,” ayon kay Education Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla sa isang video na naka-post sa […]

  • DICT, lilikha ng task force, complaint center kontra text scams, illegal sites

    NAKATAKDANG magtatag ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng  task force at complaint center kontra  text scams at illegal sites.     Sa isang panayam, binigyang diin ni DICT Secretary Ivan Uy, ang pangangailangan na paigtingin ang paglansag sa  cybercrimes.     Sa katunayan, inatasan na niya ang kanilang  field personnel na agad […]