• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH: PH COVID-19 cases higit 435,000 na; total deaths 8,446

Nadagdagan pa ng 1,061 ang total ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

 

Kaya naman umakyat pa sa 435,413 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa buong bansa.

 

“13 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 2, 2020.”

 

Ang Davao City pa rin at Quezon City ang nangunguna sa listahan ng mga lugar na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na nasa 92. Sumunod naman ang Rizal, Pampanga at lalawigan ng Quezon.

 

Nasa 27,642 pa ang mga active cases o nagpapagaling. Malapit naman nang sumampa ng 400,000 ang total recoveries matapos pang madagdagan ng 328 na bagong gumaling. Ang total ay nasa 399,325.

 

Ang total deaths naman nadagdagan din ng 10, kaya ang total ay nasa 8,446.

 

“5 duplicates were removed from the total case count. Of these, 5 were recovered cases. Moreover, 3 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”

Other News
  • NAIA, Shewarma at Maria Cristina, maglalaban sa korona: MANILA, pinangatawanan na walang makapapantay sa ‘Pinoy Drag Queens’

    PINANGANGATAWAN  pa rin ni Manila Luzon, ang host ng “Drag Den Philippines” host aka Drag Lord,  na walang makapapantay sa Pinoy Drag Queens.     Sa presscon ng “Drag Den Philippines” last Tuesday sinabi ni Manila na, “I know that the Philippines is jampacked with entertainers, dancers, singers, comedians, and I’m so happy that we’re […]

  • DILG nag-init sa galit: Ban vs tricycle, pedicab sa highways

    NAGLABAS ng kanyang galit sa mga “pasaway” tsuper ng tricycle at pedicab si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año dahil sa patuloy nilang pag-iral sa mga national highway kahit matagal na itong ipinagbabawal ng batas.   Dahil dito ay inatasan ni Año ang mga local chief executive na magtatag ng […]

  • Kapitbisig sa Pag-unlad MPC, naiuwi ang Cooperative Awards for Continuing Excellence sa GGK 2022

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa lahat ng natatanging mga kooperatiba sa lalawigan, naiuwi ng Kapitbisig sa Pag-unlad MPC mula sa bayan ng Pandi ang pinakamataas na parangal na Cooperative Awards for Continuing Excellence sa isinagawang Gawad Galing Kooperatiba 2022 sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng […]