• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P19.65B, nagastos ng DoH para sa benepisyo ng mga health workers

PUMALO na sa P19.65 billion ang nagastos ng Department of Health (DoH) para sa benepisyo ng mga healthcare workers.

 

 

Base sa DOH accomplishment report para sa buwan ng Hulyo at Disyembre na ipinresenta sa Palasyo ng Malakanyang, makikita rito na kabilang ang active hazard pay sa   benepisyo na ibinigay sa medical personnel.

 

 

Iniulat din ng DOH ang probisyon ng  One COVID Allowance o Health Emergency Allowance para sa  1,624,045 healthcare workers at special risk allowance para sa 73,711 manggagawa.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bukas ang  Office of the President (OP) para sa dayalogo para pag-usapan ang mga usapin na may kinalaman sa  hinaing ng mga nurse at iba pang healthcare workers.

 

 

Naniniwala ang Chief Executive na ang benepisyo na ipinagkakaloob sa mga nurse ay hindi sapat lalo pa’t hindi matatawaran ang serbisyo at sakripisyo ng mga ito para masiguro ang kalusugan ng publiko.

 

 

Samantala, winika pa ng DOH na may 1,430,286 karagdagang pasyente ang naserbisyuhan ngayong taong  2022, na may karagdagang tulong na pumapalo sa P16.6 billion.

 

 

Ang DOH din ay nagkaloob ng  P11.24 billion na medical assistance sa 1,878,650 pasyente sa pamamagitan ng  Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) program “as of November of this year.”

 

 

Namahagi rin ito ng P468.59 milyong halaga ng tulong sa lahat ng rehiyon para sa Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) activities at nagtatag ng karagdagang 40 functional specialty centers, Tinatayang nasa 46 na ang kabuuang bilang ng specialty facilities sa buong bansa.

 

 

“When it comes to vaccination rate,  an additional 3,100,258 individuals have been vaccinated against COVID-19, bringing the official tally of fully vaccinated Filipinos to 73,713,573,” ayon sa DoH.

 

 

“On the other hand, some 6,068,268 Filipinos received their first booster, raising the tally to 21,047,212. Meanwhile, a total of 2,843,537 got their second booster shot, increasing the total to 3,691,412 individuals,” dagdag na pahayag ng DoH.

 

 

Iniulat din ng  DoH ang “ongoing organizational development activities para sa  rightsizing, decoupling ng alert level system mula restriksyon at  ang  institutionalization ng e-Arrival system.”

 

 

Ayon pa rin sa DoH, “the e-Arrival card, which aims for a faster completion of the traveler registration process, “fulfills part of the Marcos administration’s plan to ease the country’s stringent entry protocols in order to attract more tourists.” (Daris Jose)

Other News
  • Q­uezon City, isinailalim sa state of calamity

    DAHIL sa pinsalang inabot sa pananalasa ng bagyong Kristine, nagdeklara na kahapon ang Q­uezon City government ng state of calamity.     Ito ay makaraang aprubahan sa special session ng QC Council sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto at Majority Leader Doray Delarmente ang isang resolusyon hinggil sa pagsasailalim sa state of calamity sa […]

  • PAGTANGGAP NG RED HAT NI CARDINAL ADVINCULA, IPINAGPALIBAN

    NAIPAGPALIBAN sa susunod na buwan ang pagtanggap ng biretta ni Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula na ipinagpaliban ang pagtanggap nito ng biretta sa susunod na buwan.     Sinabi  ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas na itinakda na sa Hunyo 8, 2021 ang ‘bestowal of red hat’  matapos na  sumailalim sa 14-day mandatory […]

  • Trabaho at hindi gala ang ginagawa ni PBBM

    ITO ang iginiit nina House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin at Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa ginawang foreign travels ni Pangulong Marcos. Ayon sa mga mambabatas, ginagampanan lamang ng pangulo ang kanyang tungkulin sa pagnanais na palakasin ang diplomatic ties at makakuha ng foreign investments, na makakapagbigay ng mahabang benepisyo sa bansa. […]