• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Roving teachers’ sa mga low COVID-19 risk areas, inirekomenda

IMINUMUNGKAHI ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga pamahalaan na magkaroon ng “roving teachers” sa mga lugar na may mababang COVID-19 transmission risk.

 

Naniniwala ang chairman ng Senate education committee na mas ligtas na pamamaraan ito kaysa buksan ang mga paaralan sa low-risk areas ng 30 percent sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.

 

Inirekomenda ni Gatchalian na pumunta ang mga guro sa lugar ng kanilang mga estudyante at bumuo ng maliit na grupo ng lima hanggang 10 mag-aaral.

 

Hangga’t sa sinusunod ang social distancing, maaring ipatupad ang kanyang rekomendasyon bago matapos ang taon.

 

Para matiyak naman ang proteksyon ng mga guro, sinabi ni Gatchalian na dapat regular ang COVID-19 testing ng mga ito at libre din ang kanilang treatment.

Other News
  • MAHIGIT 40K PULIS, IPAPAKALAT SA MAY 2022 POLLS

    AABOT  sa mahigit 40,000 na mga pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para magbigay seguridad sa May 2022 national and local elections. Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, handang-handa na sila sa halalan at kasalukuyang nasa phase na sila ng “monitoring” sa ground. Binigyang-diin ni PNP chief, kasado na rin ang […]

  • Calamity loan alok ng SSS sa members na apektado ni Carina

    NAG-ALOK ang Social Security System (SSS) ng cala­mity loan para sa mga miyembro nito na matinding naapektuhan ng bagyong Carina sa National Capital Region at iba pang lugar na naideklarang nasa state of calamity.         Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet, ang mga kuwalipikadong miyembro ng SSS na […]

  • Suplay ng bilihin sa NCR-Plus sapat pa – DTI

    Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital Region (NCR) Plus dahil mayroong sapat na suplay sa mga pangunahing bilihin.     Ito ay matapos na ipatupad ang isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at karatig na probinsiya.     Walang dapat na ikabahala ang mga naninirahan sa National Capital […]