• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Derrick Pumaren out na sa De La Salle University Green Archers

ISANG panibagong head coach ang nakatakdang magtimon sa grupo nina Evan Nelle, Mark Nonoy, Mike at Ben Philipps, Cyrus Austria at buong De La Salle University Green Archers men’s basketball team sa 86th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) tournament kasunod ng anunsyong hindi pagre-renew sa kontrata ni coach Derrick Pumaren ngayong taon.

 

 

Naging masalimuot ang sana ay malinaw na yugto ng Green Archers sa 85th season na punong-puno ng potensyal sa pagkakaroon ng malalim na roster na kinabibilangan rin nina Rookie of the Year Kevin Quiambao at one-and-done offensive guard na si Deschon Winston, subalit nauwi sa masaklap na paglagapak sa playoff berth kontra Adamson University Soaring Falcons upang magtapos sa ikalimang pwesto sa pagtatapos ng liga.

 

 

Ayon sa report ay napagdesisyunan ng mga opisyales ng koponan na hindi na palalawigin pa ang kontrata ng two-time UAAP at PBA champion coach sa pagtatapos nito sa Disyembre 31.

 

 

Minsan nang binitbit ni Pumaren ang DLSU sa kampeonato noong 1980 hanggang 1990 (Season 52 at 53) kontra Far Eastern University Tamaraws at University of the East Red Warriors sa pangunguna nina Jun Limpot at Johnedel Cardel.

 

 

Isa sa mga paborito ang DLSU Green Archers sa mga malalakas na koponan kabilang ang kampeong Ateneo Blue Eagles at University of the Philippines Fighting Maroons pagpasok ng season kasunod na rin ng matagumpay na kampanya sa FilOil EcoOil Preseason Cup at PBA D-League. (CARD)

Other News
  • Marcial may matatanggap pa ring insentibong P7 million

    Bagama’t nabigong umabante sa gold medal round ay may matatanggap pa ring milyones si middleweight Eumir Felix Marcial.     Nakasaad sa Republic Act No. 10699 o ang Athletes and Coaches Incentives Act na ang Olympic gold meda-list ay bibigyan ng cash incentive na P10 milyon, ang silver ay P5 milyon at ang bronze ay […]

  • DERRICK, ang tapang na sabihin na mahal na mahal niya si ALDEN at never nainggit

    SA isang IG live interview ni G3 San Diego ay tinanong si Derrick Monasterio about kung hindi ba ito naiinggit sa kasikatang tinatamasa ni Alden Richards.     Sagot ni Derrick kahit daw katiting ay hindi siya kakikitaan ng pagka-inggit kay Alden na kasabay niyang nag-start sa showbiz.      “I love Alden. Brother ko ‘yun ever since The […]

  • CARL, bilib na bilib kay Mayor ISKO at paniwalang mananalong Pangulo; maraming isa-sakripisyo sa pagtakbo bilang Senador

    NANINIWALA si Dr. Carl Balita na marami siyang magagawa at matutulungan bilang Senador, lalong-lalo na pagdating sa kalusugan at edukasyon na sa tingin niya ay talagang napag-iiwanan na tayo.          Pahayag niya, “I am the only nurse and teacher in the senate running. I am one of the three with the professional licence […]