• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

137 sugatan sa paputok – DOH

NAKAPAGTALA ng 85- fireworks related injuries o mga naputukan ang Department of Health (DOH) nitong pagsalubong sa Bagong Taon.
Dahil dito, umakyat na kahapon ang bilang ng mga naputukan sa 137 nitong Enero 1 mula noong Disyembre 21, 2022.
Mas mababa naman ito ng 15% kumpara sa naitala na 162 noong 2021 at 46% mas mababa sa limang taong average ng naputukan na naasa 256.
“Kumpara noong na­ka­raang taon, mas mara­ming kaso ang naitala sa kalsada kaysa sa bahay ngayong taon. Marahil dahil ito sa increased mobility at pagluwag ng ating mga COVID restrictions,” ayon kay DOH officer-in-charge secretary Maria Rosario Vergeire.
Pinakamarami pa rin na naputukan sa National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng 64 o 10% pagtaas kumpara noong 2021 habang nakapagtala ang Region 5 ng 28% pagtaas sa bilang ng naputukan. Bumaba naman o walang pagbabago sa iba pang mga rehiyon.
Karaniwang biktima ng paputok ang mga lalaki na nakapagtala ng 107 (78%) habang nasa pagitan ng edad 14 hanggang 16-taong gulang ang mga napuputukan.
Anim na biktima ang kinailangang putulan ng daliri dahil sa tindi ng pinsala, 41 ang napinsala ang mata, habang 92 ang nagkasugat na hindi kailangan na maputulan.
Ngayong taon, na­ngu­nguna ang boga at kwitis sa pinakamara­ming nabiktima na naitala sa tig-26 kaso (19%); kasunod ang 5-star na may 14 (10%); whistle bomb, 9 kaso (7%); at Super Lolo, 8 kaso (6%). (Daris Jose)
Other News
  • Pope sa pagpanaw ni P-Noy: ‘I commend his soul into the hands of God…’

    Maging si Pope Francis ay nalungkot sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.     Sa kalatas na ipinadala sa Malacañang, nakikidalamhati ang Santo Papa sa pagpanaw ng dating pangulo ng bansa.     Tiniyak ng 84-year-old pontiff ang pagdarasal para sa namayapang dating pangulo ng bansa.     “Recalling the late president’s […]

  • 2 construction workers, bebot timbog sa Valenzuela buy bust

    TATLONG hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 41-anyos na bebot ang nasakote sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destutra Jr na alas-10:30 ng umaga nang magsagawa […]

  • Malakanyang, suportado ang DepEd nang palagan ang naging pahayag ni Governor Mamba laban sa mga guro

    SUPORTADO ng Malakanyang ang pagpalag ng Department of Education (DepEd) sa naging pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba na wala umanong ginagawa ang mga guro at sumusuweldo lang.   Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi sila naniniwala sa nasabing pahayag ng gobernador na nagsabing dapat pa ngang kaltasan ang suweldo ng mga guro ngayong […]