• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, suportado ang DepEd nang palagan ang naging pahayag ni Governor Mamba laban sa mga guro

SUPORTADO ng Malakanyang ang pagpalag ng Department of Education (DepEd) sa naging pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba na wala umanong ginagawa ang mga guro at sumusuweldo lang.

 

Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi sila naniniwala sa nasabing pahayag ng gobernador na nagsabing dapat pa ngang kaltasan ang suweldo ng mga guro ngayong panahon ng pandemya.

 

Ayon kay Sec. Roque, dapat pa nga aniya ay pasalamatan ng gobernador ang mga guro gaya ng kanilang pagpapasalamat sa mga ito.

 

Tila ipinaalala ni Sec. Roque sa gobernador na nakasalalay sa mga guro ang tagumpay ng blended learning na ayon naman kay DEPED Secretary Leonor Briones ay abalang- abala na bago pa man sumapit ang pasukan nitong nagdaang Lunes.

 

“Oo, sang-ayon po kami kay Secretary Briones. Hindi po kami naniniwala na walang ginagawa ang mga guro at nagpapasalamat Malakanyang, suportado ang DepEd nang palagan ang naging pahayag ni Governor Mamba laban sa mga guro nga po kami ngayon sa mga guro dahil ang tagumpay po nitong blended learning ay nakasalalay din sa kanila ‘no,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, sinabi ni Secretary Briones na bagama’t walang pasok sa mga nagdaang buwan ay busy naman ang mga teachers sa mga training, paggawa ng modules at paglikha ng Learning Continuity Program.

 

“Hindi naman totoo na walang ginagawa ang mga teachers. Totoo na walang school for several months pero nag-undergo sila ng training. Iyong mga master teachers gumagawa ng mga modules at iyong kanilang mga superintendents nagri-report at nagmi-meet kasi winu-workout namin ang Learning Continuity Program,” anito.

 

“Hindi sila physically nagtuturo pero marami din silang pinapagawa namin para paghanda nitong October 5 opening natin. Mag-i-issue kami ng statement diyan,” dagdag na pahayag nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • RIDER TODAS SA DUMP TRUCK

    ISANG rider ang namatay matapos magulungan ng isang dump truck nang tumilapon sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.   Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si Isagani Sorio, 36, company employee at residente ng Lot-6 Block 9 Pascual Subd., Brgy. Baesa, […]

  • EO para sa paglikha ng Inter-Agency Body na titingin sa labor cases, oks kay PBBM

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang  executive order (EO) na lilikha sa  isang inter-agency committee para palakasin ang koordinasyon at padaliin ang  resolusyon ng labor cases  sa bansa.  Nauna rito, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 23, araw ng Linggo,  na naglalayon din na palakasin at protektahan ang freedom […]

  • COVID cases sa Pinas papalo sa kalahating milyon ngayong 2020 – UP experts

    Posibleng pumalo sa 585,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 batay sa taya ng University of the Philippines (UP).   Ito ay makaraang palawigin ng UP COVID-19 Pandemic Response Team ang kanilang projection hanggang sa Dec. 31 ngayong taon.   Maaaring bumaba sa 402,000 ang detected cases ngunit posible rin pumalo sa 767,000. […]