• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo kaya ang Olympic gold – Carrion-Norton

TIWALA ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP)na kakayanin ni Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo na mabigyan ng unang gold medal ang mga Pinoy sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemya.

 

Ito ang walang takot na pinahayag nitong Biyernes ni GAP president Cynthia Carrion-Norton, bagong halal ding treasurer ng Philippine Olympic Committee (PIC).

 

Ayon sa opisyal na pinatunayan na ng 20-anyos, may taas na 4-11 at tubong Maynila ang de-kalibe niyang karakas o isang astig na atleta nang makamedalyang ginto sa men’s floor exercise ng  49th World Artistics Gymnastics Championships 2019 sa Stuttgart, Germany.

 

“Caloy (Yulo) is really training hard for the Olympics and we are hoping that he could finally end our hunger for the first Olympic gold medal,” sambit ng opisyal sa kanyang manlalaro, na nagwagi ng dalawang gold at limang  silver medal sa Philippines 30th Southeast Asian Games 2019.

Mahigit isang taon na ring si Yulo na nagti-training camp sa lugar na pagdarausan ng 2021 quadrennial sportsfest sa Tokyo sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) at pribadong sektor.

 

Wala pang nakakamit na gold ang ‘Pinas sa Olympics – mapa-Summer o Winter man sapul noong 1924 sa Paris, France. (REC)

Other News
  • Sa biggest OPM event na hatid ng Puregold: SB19, BINI, Flow G, at SunKissed Lola, mambubulabog sa Big Dome

    HUMANDA na para sa pinakamalaking pagdiriwang ng Original Pinoy Music (OPM) ngayon, at ang mga kwento sa likod ng tagumpay ng mga chart-topping hits na ito, mula sa paghahandog ng Puregold ng “Nasa Ating Ang Panalo” concert sa Hulyo 12, 2024, 7 p.m, sa Araneta Coliseum.         Ang selebrasyon ng pasasalamat, na […]

  • APPLE ORIGINAL FILMS UNVEILS NEW FEATURETTE, “CHARACTER CHRONICLES: LEONARDO DICAPRIO AS ERNEST BURKHART”, FOR MARTIN SCORSESE’S HIGHLY ANTICIPATED “KILLERS OF THE FLOWER MOON”

    APPLE Original Films has unveiled a new featurette, “Character Chronicles: Leonardo DiCaprio as Ernest Burkhart”, for Martin Scorsese’s highly anticipated “Killers of the Flower Moon.” Starring DiCaprio, Robert De Niro and Lily Gladstone, “Killers of the Flower Moon” will premiere in theaters around the world, including IMAX® theaters, on October 18. Challenged and motivated by the […]

  • COVID-19 cases tataas pa – DOH

    Mismong Department of Health (DOH) na ang nagsabi na inaasahan na rin nilang tataas pa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa patuloy na pagpapaluwag ng pamahalaan sa ilang panuntunan matapos ang higit dalawang lockdown.   Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi naman ibig sabihin nito na dapat mabahala ang publiko. […]