• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parang kailan lang nang makilalang si Trudis Liit: JILLIAN, pinaghahandaan na ang bonggang debut next month

PARANG kailan lang, ang 6-year old na nakilalang si Trudis Liit, si Kapuso young actress Jillian Ward, ay magiging isang beautiful debutante na on February 23, 2023.  

 

 

Sa ngayon ay plantsado na pala ang mga paghahanda, pero ayaw pang i-divulge ng bida ng GMA inspirational-medical drama series na “Abot-Kamay na Pangarap” na si Dra. Analyn Santos, kung ano ang theme at ang magiging kaganapan sa kanyang coming debut.

 

 

Sino kaya ang magiging special escort niya?

 

 

“Basta ang gusto ko po lamang is to have fun at ma-invite ko lahat ng mga mahal ko sa buhay at mga kasamahan ko sa industriya,” wika ni Jillian sa isang interview sa kanya sa “24 Oras.”

 

 

“Nagpapasalamat din po ako sa mga sumusubaybay sa akin sa aming GMA Afternoon prime series. And I’m happy working with veteran actors na kasama ko, like Sir Richard Yap, Sir Dominic Ochoa and Tita Carmina Villarroel, who’s my nanay Lyneth sa serye.

 

 

“Sila po ang natatanungan ko kung tama ang ginagawa ko sa eksena.  I’m nervous but super grateful po ako sa kanila, mahirap po kasing mag-memorize ng medical terms.”

 

 

Ang tinutukoy ni Jillian ay ang challenging role niya bilang isang young genius doctor na nakaramdam din ng panghahamak dahil may ayaw maniwalang isa na siyang doctor.

 

 

Since extended pa ang “Abot-Kamay na Pangarap,” na napapanood Mondays to Saturdays sa GMA-7, after ng “Eat bulaga,” may sorpresa kaya kay Jillian ang top-rating afternoon show sa debut niya?

 

                            ***

 

 

CONGRATULATIONS sa “Voltes V: Legacy”  team ni Director Mark Reyes, dahil umani sila ng million viewers nang ipalabas nila ang Ultraelectromagnetic Megatrailer nang ipalabas ito sa “Kapuso Countdown to 2023” last December 31 sa GMA Network.

 

 

Na-excite din ang viewers nang makita sa trailer si Kapuso Drama actor Dennis Trillo, na siya palang gumaganap sa role ni Ned Armstrong, at anak niya ang Armstrong brothers na ginagampanan nina Miguel Tanfelix, Matt Lozano, Radson Flores at Raphael Landicho.

 

 

Napanood din sa trailer ang iba pang cast na sina Carla Abellana, Ysabel Ortega, Martin del Rosario, Epy Quizon at Albert Martinez.

 

 

Nothing to worry ang mga fans ni Dennis, dahil hindi ito mag-overlap sa top-rating historical fantasy portal series nilang “Maria Clara at Ibarra,” dahil sa kanilang timeslot papalit ang “Voltes V Legacy,” sa first quarter of 2023.

 

                                             ***

 

 

LIVE ang New Year presentation ng “Eat Bulaga” last January 2, na dinaluhan nina Tito Sen, Vic Sotto, Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Vallesteros, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza.

 

 

Wala si Joey de Leon dahil on vacation siya with his family abroad.  Happy ang mga viewers ng EB, dahil matagal na pala nilang request kung pwedeng ibalik ang mga dating segments ng longest-running afternoon show.

 

 

Kaya ngayon ay muling napapanood ang segment nilang “Pinoy Henyo,” ang “Bulagaan” segment ni Miss Dizon (Ryzza Mae Dizon) at ibabalik din nila ang “Juan for All All for Juan” segment sa barangay.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • KRIS, nagdesisyon na maninirahan na sa Tarlac kasama sina JOSH at BIMBY

    NAGBAGO na pala ng plano si Kris Aquino kung saan siya susunod na lilipat ng tirahan.      Kung dati ang gusto niya ay bumili ng isang beachfront house, na titirahan niya ng ilang buwan, hanggang sa makahanap siya ng susunod na titirahan para malayo siya sa city.     At ang balak niya, ay […]

  • Pamumuhunan na inaprubahan ng Board of Investments, tumaas ng 11%

    NAGBIGAY  ng malaking tulong ang renewable energy (RE) sa 11 porsiyentong taunang pagtalon sa mga inaprubahang pamumuhunan ng Board of Investments (BOI) sa ngayong taong 2022 habang nilalayon nila ang P1 trillion na halaga ng pamumuhunan sa 2023. Ang datos na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ay nagpakita na ang BOI-approved investments […]

  • Tiniyak ng DSWD: Suporta, nakahanda na para sa mga ‘displaced’ POGO workers

    TINIYAK ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nakahanda na ang departamento na magbigay ng tulong sa local at foreign nationals na maaapektuhan ng nalalapit na pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) operations sa pagtatapos ng taon.       “Una sa lahat, base sa aming datos, ang karamihang […]