• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa ibinahaging mga larawan ni Vice Gov. Mark: KRIS, unti-unti nang bumubuti ang kalusugan at patuloy na pinagdarasal

MARAMI ang natuwa na makita ang bagong larawan ni Kris Aquino, na unti-unti na ngang bumubuti ang kalagayan habang patuloy na nagpapagamot sa Amerika.

 

 

Kahapon, January 3, ay pinost ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa kanyang Instagram account ang mga photos nila ni Kris, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

 

 

Dahil nasa Amerika ang pamilya ni VG Mark, kaya dinalaw na rin niya ang kaibigang TV host at makikita nga ang improvement sa kalusugan nito.

 

 

May caption ng post ng, “Spending the first day of the year with the Queen [yellow heart, sparkle emojis]”

 

 

Patuloy namang ipinagdarasal ng mga netizens ang tuluyan ng paggaling ni Kris at pinasalamatan din nila si Mark sa pagbisita at pagbabahagi ng mga bagong larawan ng TV host.

 

 

Sa tulong ng Diyos at kung ipagkakaloob ay tuluyang makaka-recover at gagaling si Kris, manalig lang tayong lahat.

 

 

***

 

 

NANAWAGAN siya at narinig naman.

 

 

“Gusto kitang maging kumare, bilang ninang ng ipapanganak pa lang na anak ko,” panawagan ni Whamos, katuwang ni Anjanette sa kanilang joint social media vlog na Whamonette.

 

 

Matagal na palang sinusundan ng mag-asawa ang mga posts ni Bataan District 1 Representative Geraldine Roman.

 

 

“Gustung-gusto ko ang mga sinasabi niya, pati na ang mga payong ibinibigay niya,” natutuwang inilahad ni Whamos sa kanilang malaganap na vlog.

 

 

Ipinakiusap pa niya sa kanyang followers na i-tag si Cong Geraldine upang makarating dito ang kanyang panawagan.

 

 

Nakarating nga at dininig naman ni Cong Geraldine ang hiling ng mag asawa. Naganap ang kanilang masayang pagtatagpo at ito naman ang kwentong hatid sa atin ni Rep. Roman sa kanyang You Tube vlog, Geraldine Romantik. Mapapanood ito ngayong ika-pito ng gabi (Enero 4).

 

 

Abangan kung paano sila naging mag-kumare at kumpare sa isang masaganang bagong taon.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Proud na proud na pinost ang video ng 3D ultrasound: LUIS, nagpasalamat na kamukha ni JESSY at ikatutuwa ni VILMA kung baby girl

    PROUD na proud ang soon-to-be daddy na si Luis Manzano na pinost sa kanyang IG account ang video ng 3D ultrasound ng first baby nila ni Jessy Mendiola.   Caption nga ng tv host, “Hi Baby Peanut! @senorita_jessy and i love you ❤️ thank you Lord kamukha ng Mommy!”   Agad namang nag-comment ang kanyang […]

  • NAIA flights tigil muna dahil sa technical issues – Civil Aviation Authority of the Philippines

    KINUMPIRMA ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, na suspendido ngayon ang mga flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil may mga tinutugunang technical issues kaugnay ng napabalitang mga naantalang biyahe ng eroplano ngayong araw. Batay sa report nagkaroon ng problema ang air navigation facilities ng CAAP. Dahil dito, ang […]

  • Inamin ng manager na malaki ang utang na loob sa aktres: LIZA, lumipat na sa management ni JAMES at tanggap ni OGIE

    NAKALULUNGKOT na malamang lumipat na pala ng management si Liza Soberano na hawak for 11 years ng showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz.     Lumabas kasi ang bali-balita nang makitang kasa-kasama ni James Reid sa Gold Gala sa Los Angeles si Liza.     Kinumpirma na nga ni Ogie na hindi […]