Bago sumabak sa pagluluto ng handa sa Bagong Taon: JUDY ANN, pinalakpakan sa paandar na target shooting
- Published on January 4, 2023
- by @peoplesbalita
TULAD ng nakaugalian na ng kanilang pamilya ay sa bahay-bakasyunan nila sa Batangas sinalubong nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, with kids Yohan, Lucho and Luna, ang Bagong Taon.
Kasama ang halos buong pamilya nila on both sides, tulad ni Mommy Carol Santos ni Judy Ann at ilang piling kaibigan, ilang araw namalagi sa Batangas ang grupo.
At tulad rin na ng nakasanayan niya, si Judy Ann mismo ang nagluto at naghanda ng mga putaheng kanilang pinagsaluhan sa media noche at mismong New Year’s Day.
Pero bago siya sumabak sa pagluluto, may paandar si Juday; nag-target practice muna siya sa malawak nilang beachfront na bahay at dahil sanay naman si Juday sa mga action scenes sa mga projects na nagawa na niya in the past (tulad ng ‘Basta’t Kasama Kita’ at sa guesting niya sa ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’), isang kalabit lang ni Juday sa baril ay tinamaan niya agad ang bull’s eye!
Kaya naman bonggang hiyawan at malakas na palakpakan ang naging reaksyon ng mga kasama ni Juday dahil sa husay niyang bumaril.
Nasa Instagram account niya ang video n may caption na, “Wait lang bub… tirahin ko lang to sandali bago ko magluto.”
“Bub” ang term of endearment nina Juday at Ryan sa isa’t-isa.
***
NAGING bahagi ng buhay ni Mark Bautista sa nakaraan ang pamosong kuwento na lumuwas siya ng Maynila mula Cagayan de Oro para mag-audition sa ‘Star For A Night’ sakay ang isang cargo vessel dahil wala silang pera ng kapatid niya para bumili ng tiket sa eroplano.
At tulad ng alam nating lahat, nagtagumpay si Mark at isa na sa maituturing na pinakasikat at pinakamahusay na male balladeer sa Pilipinas.
At nitong Bagong Taon, sa Siargao nagbakasyon si Mark at sa kanyang pamamasyal sakay ang isang barko ay may nadaanan siyang cargo ship na kapareho ng sinakyan nila noong hindi pa siya sikat.
Kaya naman nagbalik-tanaw si Mark kanyang pinagdaanan sa kanyang Facebook page kalakip ang larawan ng cargo ship at caption na…
“Nagflash back sakin upon seeing this cargo ship (2nd slide) ganito sinakyan namin ng brother ko noon for 2 and half days going to Manila (dahil mahal ang plane ticket )just to audition for the singing contest (Star For A Night) and now it’s more than 20 years and it made me question-what if i didn’t take that chance? what if i didn’t risk chasing my dream? It would’ve been a different story by now but thinking about it now, masasabi ko lang it was the best decision i made & i couldn’t be anymore grateful. God really works in so many ways that’s fit and good for you. ”
***
BONGGA ang mga Hari ng Kapuso at Kapamilya Network dahil pareho silang sinalubong ng isang acting award ngayong Bagong Taon.
Parehong nagwaging Best Actor sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual sa katatapos lamang na 2022 TAG Awards Chicago.
Wagi si Dingdong bilang Best Actor para sa GMA mini-series na ‘I Can See You: AlterNate’ at win naman si Piolo para sa ‘Flower of Evil’ ng ABS-CBN sa awards night na ginanap nito lamang December 31.
Mula sa TAG MEDIA, ang nabanggit na award giving body ay kumikilala at nagpapahalaga sa mga achievement ng mga celebrity at influencer sa larangan ng entertainment, entrepreneurship at social media.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
PBBM, tinintahan ang mga batas na magpo-promote sa MENTAL HEALTH ng mga guro, estudyante
NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes ang batas na “Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act”. Layon ng batas na gawing institutional ang mental health at well-being programs kapuwa para sa basic education learners at teaching and non-teaching personnel sa pampubliko at pribadong eskuwelahan. Ito’y upang tiyakin […]
-
DepEd, nire-require ang mga hindi bakunadong guro, personnel na magpakita ng negatibong COVID test results habang may onsite reporting
KAILANGAN munang magpakita ang mga unvaccinated teaching at non-teaching personnel ng negatibong resulta ng coronavirus test bago pa payagan ang mga ito na makapasok sa school premises para sa onsite reporting. Sa pagsisimula ng rollout ng expansion phase ng limited face-to-face classes ngayong buwan, pinaalala ng DepEd sa mga guro at iba pang […]
-
Kalahati ng 11 milyong plate backlog tatapusin ng LTO sa loob ng 6 buwan
TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs sa loob ng anim na buwan. Ayon kay LTO Assistant Secretary Teofilo Guadiz III kabilang sa 11 milyong backlog ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016. “Ang timeline ko rito mga six months […]