• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hangad na palakasin ang bilateral ties sa kanyang China trip

LAYON ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palakasin pa ang bilateral ties ng Pilipinas sa China sa kanyang  state visit sa Beijing, simula Martes, Enero 3.

 

 

Kabilang dito ang pakikipag-usap sa aspeto ng kooperasyon lalo na  sa larangan ng ekonomiya, kalakal at pamumuhunan at maritime security. Para sa  Department of Foreign Affairs, ang mga ito ay  “great significance” ng biyahe ng Pangulo.

 

 

At dahil kapuwa galing sa “fresh mandates” sina Pangulong Marcos at Chinese President Xi Jinping dahil sa kamakailan lamang na halalan, inaasahan na  ang  state visit ay magtatakda ng “magandang tunog” sa  bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa sa mga darating na taon.

 

 

Kaugnay nito, ang  bilateral agreements na nakatakdang lagdaan sa state visit ni Pangulong Marcos sa China ay kinabibilangan ng  “trade and investment, agriculture, energy, infrastructure, people-to-people exchanges, at maritime security.”

 

 

Samantala, para sa ilang analysts, ang state visit ay pahiwatig o indikasyon ng  foreign policy direction ni Pangulong Marcos.

 

 

“The trip is also a test of PBBM’s diplomatic acumen because, for China, our relationship with the US is too close. They think we are pivoting towards the US so PBBM will have to convince China, and we have an independent foreign policy and we are not taking sides,” ayon kay Beijing-based journalist Benjamin Lim.

 

 

Inaasahan din na babanggitin ni Pangulong Marcos ang mga concerns sa West Philippine Sea sa kanyang pakikipagpulong kay  Xi.

 

 

Ang magkabilang panig ay lalagda ng isang kasunduan upang maiwasan ang  miscommunication sa pinagtatalunang lugar.

 

 

“The ball is in their court. They have to be the one to act fairly. How can you negotiate properly? It’s like you’re negotiating under conditions of coercion and duress. Hindi tama ‘yun [That’s not right]. Nothing will happen if China is really sincere and want to show good faith,” ang wika naman ni maritime law expert Jay Batongbacal.

 

 

Buwan ng Disyembre ng nakaraang taon, binatikos ng mga senador ang mga aktibidad ng China sa  West Philippine Sea.

 

 

Nanindigan naman ang China na ang  maritime issue ay hindi kabuuan o bubuo sa relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

“It’s normal to have differences among neighbors. Do not allow the differences to effect or hijack our bilateral relations because we need to get along in a peaceful manner,” ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian.

 

 

Sinabi naman ng ilang analysts na hindi dapat i- discount o hindi dapat tawadan ang impluwensiya ng  China sa rehiyon at naging ambag nito sa economic recovery.

 

 

“China is a neighbor. We can’t move the Philippines or move China away for better or worse. We have to coexist. We have to make the best out of it,” ayon kay Lim. (Daris Jose)

Other News
  • 2 kelot arestado sa baril sa Caloocan

    KALABOSO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang magwala at masita sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City.     Sa nakarating na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 2 kahabaan ng 3rd Avenue, Brgy., 118, alas-9:00 ng […]

  • Anthony Mackie’s Upcoming ‘Captain America 4’ Just Changed Titles Mid-way Through Production

    THE new title of Anthony Mackie’s first solo movie in the Marvel Cinematic Universe is Captain America: Brave New World, and the name change mid-way through production might have an interesting reason.     Mackie was first teased to be the Marvel Cinematic Universe’s next Captain America at the end of 2019’s Avengers: Endgame, with […]

  • Kalahating milyong COVID-19 vaccines ng Sinovac dumating sa NAIA

    Lumapag na sa Pilipinas ang panibagong batch ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) galing sa bansang Tsina.     Ang 500,000 doses ng CoronaVac, na gawa ng Chinese company na Sinovac, ay sinasabing dumating kahapon,Huwebes, 7:37 a.m. sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     Isa si Health Secretary Francisco Duque III sa mga […]