Wala ng libreng sakay sa EDSA busway
- Published on January 5, 2023
- by @peoplesbalita
MAGBABAYAD na ang mga pasahero ng EDSA busway matapos na hindi na palawigin ng Department of Transportation (DOTr) ang pagkakaroon ng libreng sakay kung saan may mahigit na 400,00 na pasahero kada araw ang sumakay noong nakaraang taon.
Pinag-aaralan ng DOTr na kung maaari ay ibigay nasa pribadong sektor ang pamamahala ng P551 million na infrastructure ngayon 2023.
“The EDSA busway system would be turned over to the private sector this year, leaving its future operator the task of managing it and the benefit of profiting as well. Several groups have relayed their interest to vie for the concessions on the EDSA busway, compelling the DOTr to prepare the terms of reference for the privatization,” wikaniDOTr Secretary Jaime Bautista.
Dagdag pa ni Bautista na walang pagkakataon pa na ma-extend ang programa lagpas ang Jan. 2023. Ayon sa kanya, ang mga pasahero ay magbabayad na ng P15 minimum fare sa pagsakay ng EDSA carousel.
Diniin din ni Bautista na hindi na kaya ng DOTr ang gumastos ng P12 million kada araw upang ma-subsidize lamang ang libreng sakay lalo na ngayon na nagtitipid ang pamahalaan upang mabawasan ang budget deficit.
Ngayon 2023, ang DOTr ay makakuha ng P1.2 billion na pondo para sa service contracting program (SCP) kung saan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbibigay ng financial support sa mga transport service providers at workers sa pamamagitan ng performance-based payout system.
“Under the program, drivers and operators will be paid by the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) based on the maximum based on the maximum trips made per week, with or without passengers and in compliance with the agreed-upon performance indicators,”dagdag ni Bautista.
Subalit, ang nasabing pondo ay hindi lamang gagamitin sa EDSA buses kasama rin ang lahat ng mga public utility vehicles (PUVs) sa lahat ng rehiyon upang masiguro na ang mga commuters sa rural areas ay makakuha rin ng benipisyo mula sal ibreng sakay.
Sinabi naman ni Senator Sonny Angara na maaari naman na ipagpatuloy ang PUV SCP dahil binigyan ito ng P2.16 billion mula sa General Appropriations Act of 2023 upang masiguro na maipagpatuloy ang programa. May P1.285 billion ang nasa ilalim ng unprogrammed appropriations at mayroon pa na P875 million ang nakalagay sa unprogrammed appropriations.
May plano ang DOTr na magtalaga pa rin ng 600 hanggang 650 buses sa EDSA carousel mula sa 750 na buses noong 2022. Inaasahan na baba na ang mga pasahero dahil maghahanap na sila kung saan sila makakamura ng pamasahe tulad ng MRT 3 at iba pang rail lines.
Based sa datos ng DOTr, may P551 million ang nagastos upang itayo, pagandahin at ayusin ang busway mula 2020 hanggang 2022. LASACMAR
-
Pinay volleyball star Jaja Santiago inalok na maging naturalized player ng Japan
Inalok si Filipina volleyball star Jaja Santiago ng koponan na sa Japan na maging naturalized player nila. Ayon sa 25-anyos na middle blocker na mula pa noon ay pinili na niya ang Japanese team na Saitama Ageo Medics. Paliwanag niya na may mga alok ang ibang bansa na maglaro sa kanilang […]
-
PBA lalayasan ng players; lilipat sa ibang bansa
Dapat na umanong kabahan ang Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa pagpili ng ilang manlalaro na dalhin ang kanilang talento sa abroad kaysa maglaro sa liga. Ito ang malaking hamon sa pamunuan ng PBA matapos pumirma bilang import sa Japan si Thirdy Ravena kaysa lumahok sa PBA draft. Sa ngayon, maraming bansa sa Asya ang nagbibigay ng offer sa mga […]
-
Pinagselosan ng naging ex-bf ng singer/actress: Kuya KIM, inamin na nagkaroon talaga ng feelings noon kay GENEVA
INAMIN ni Kuya Kim Atienza sa progamang Mars Pa More, na nagkaroon siya ng feelings noon para kay Geneva Cruz. Sinagot lang ni Kuya Kim ang tanong sa segment ng show na ‘On The Spot’. Ang tanong ay: Sabi ko na nga ba, dapat inamin kong may feellings ako noon para kay—-, naging kami sana.” […]