KAPISTAHAN NG POONG NAZARENO, KASADO NA
- Published on January 6, 2023
- by @peoplesbalita
ALL system go na para sa Kapistahan ng ng Itim na Poong Nazareno o Nazareno 2023 sa Enero 9.
Sa press conference na dinaluhan ni Manila Mayor Honey Lacuna, MPD,BFP,DOH,MMDA,AFP at iba pang ahensya ng gobyerno at nang ilang opisyal ng Quiapo church inilatag ang ilang mga panuntunan sa naturang aktibidad.
Ayon kay Nazareno adviser Alex Irasga,tuloy ang pagdiriwang bagamat wala na ang tradisyonal na “Traslacion” ay magkakaroon naman ng “Walk of Faith”.
Ang ruta ng Walk of Faith ay magsisimula ng ala una ng madaling araw sa January 8, sa Quirino Grandstand patungong simbahan ng Quiapo.
Ang prusisyon ay inaasahang tatagal ng higit dalawang oras.
Para naman sa mga dadalo ng misa, pinapayagan na ang full seating at standing capacity sa loob ng simbahan.
Pinapayagan rin ang pagsusuot ng tsinelas at sapatos ng mga deboto, pagdala ng mga maliliit na replika ng imahen, wheelchair, maliliit na camera, portable chair at flashlight, at transparent na kapote.
Pinayuhan naman ang mga deboto na huwag nang magdala ng malaking replika, banners, drone at professional camera, selfie stick, matatalas na bagay, pyrotechnic devices, tents at picnic items, at malalaking bag dahil ito ay ipinagbabawal.
Ayon kay Irasga, ang MPD lamang ang maaaring magpalipad ng drone .
Pinayuhan na rin ang mga deboto na magdala ng snacks at water canister ngunit tiyakin na hindi magkakalat ng basura.
Ang mga may sakit o sintomas ng COVID-19 ay pinayuhan na rin na huwag ng dumalo pa sa aktiobidad at sa bahay nalang mamalagi upang hindi na makapanghawa pa ng ibang deboto.
Samantala, inihahanda na rin ang bahagi ng Quirino Grandstand para sa mga inilatag na aktibidad kaugnay sa Nazareno 2023. (GENE ADSUARA)
-
CHINESE NATIONAL NA WANTED SA PYRAMID SCAM, DINAMPOT SA LAGUNA
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Chinese na wanted ng awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot ng large-scale pyramid investment scam. Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang wanted na si Liu Jing, 44, na inaresto sa loob ng kanyang bahay sa isang subdivision sa Biñan, […]
-
DOJ: Extradition ni Teves, maaantala pa
INAASAHANG maaantala pa ang extradition o pagbabalik sa Pilipinas kay dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves, Jr. Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) na kinakailangan pa kasing dumaang muli sa panibagong proceedings ang extradition case ni Teves sa Timor Leste bilang resulta ng procedural objections na isinagawa ng mga abogado nito. Ayon […]
-
Mga brgy officials na tatangging tulungan ang mga residenteng may Covid-19, kakasuhan ng DILG
KAKASUHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay personnel na hindi reresponde sa concerns ng mga residente na infected ng COVID-19 Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni DILG officer-in-charge Undersecretary Bernardo Florece Jr. na hinihikayat nila ang publiko na i-report sa kanila kung mayroon silang mararanasang […]