• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr, CAAP walang obligasyon na i-compensate mga pasahero sa NAIA shutdown – Sec. Bautista

NILINAW ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na walang contractual obligation ang DOTr at ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bigyan ng kumpensasyon o refund ang mga pasaherong apektado ng ilang oras na shutdown sa Philippine airspace na dulot ng aberya sa suplay ng kuryente noong Bagong Taon.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ni Bautista kasunod na rin ng panawagan ni Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan, partikular na sa CAAP, na i-compensate ang libu-libong pasahero na hindi nakabiyahe dahil sa power outage sa air traffic management system ng bansa.

 

 

Ayon kay Bautista, kailangang pag-aralang mabuti ang legalidad nang pag-compensate sa mga air travelers na naapektuhan ng airspace shutdown.

 

 

“Dapat pag-aralan natin ang legality nito ano,” pahayag pa ni Bautista, sa panayam..

 

 

“Unang una, ‘yung CAAP at saka DOTr wala kaming arrangement with the passengers, ‘di katulad ng airlines. Bumili sila ng ticket, merong obligation ang mga airlines na ilipad sila o i-refund ang kanilang pamasahe,” paliwanag pa niya.

 

 

Idinagdag naman ni Bautista na kahit hindi contractually obliged ang pamahalaan na i-compensate ang mga pasahero, maaari aniyang morally obligated naman ang DOTr at CAAP.

 

 

“Pero ang legality nito dapat pag-aralan mabuti dahil, ako hindi naman abogado, pero sa pagkakaintindi ko walang contractual obligation between the passengers and DOTr or CAAP,” aniya pa. “Dapat pag-aralan mabuti ng ating mga abogado para ano ba ‘yung dapat ­maging sagot ng ­gobyerno.” (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Ex-vice presidential candidate Walden Bello arestado dahil sa kasong cyber libel

    INARESTO ng Quezon City police si dating vice presidential candidate Walden Bello dahil sa kasong cyber libel.     Ang kaso ay isinampa ni dating Davao City Information Officer Jefry Tupas.     Sa pitong pahinang resolution na inilabas noong Hunyo 9 ay napatunayan umano na ang dating mambabatas ay lumabag sa Revised Penal Code […]

  • PDU30, gustong imbestigahan ng DoH ang “false positives” ng PRC

    HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang napaulat na reklamo tungkol sa “false positives” ng Covid-19 tests na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC).   Sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes ay sinabi ng Pangulo na nakatanggp siya ng ulat na mayroong “false-positive results” sa […]

  • Nag-manifest ang wish na makasama ang aktres: ALDEN, sasalo ng bala para kina JULIA at Direk IRENE

    TILA nag-manifest talaga ang naging sagot ni Alden Richards na walang-iba kung hindi si Julia Montes dahil 11 years after, heto nga at magkasama sila sa pelikulang ‘Five BreakUps and a Romance’ na nagkaroon ng red carpet at official trailer world premiere noong Miyerkules ng gabi.       Nang tanungin si Alden sa reaction […]