LTFRB: Libreng sakay babalik
- Published on January 9, 2023
- by @peoplesbalita
TINITINGNAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibleng pagbabalik ng programa sa libreng sakay para sa EDSA carousel sa darating na ikalawang quarter ng taon.
“The government has allotted funding for the librengsakay program but has yet to download the amount to the agency,” wikani LTFRB technical division head Joel Bolano.
Mayroong P2.16 billlion na pondo ang nakalaan sa 2023 subalit mas mababa ito sa pondong binigay noong mga nakaraang taon.
Ginagawa pa ng LTFRB at Department of Transportation (DOTr) ang guidelines para sanasabing programa sa libreng sakay. Dagdag pa niBolanonamaaaring ang dalawang existing bus consortiums ang magpatuloy ng operasyon o di kaya ay isailalimsa contracting service para sa EDSA carousel.
Samantala, nagbukas ang LTFRB ng siyam (9) na bagong ruta para sa mga public utility bus (PUVs) upang mapunan ang tumataas na passenger demand sa Metro Manila.
Ang mga nasabing ruta ay nasa area ng Metro Manila Urban Transportation Integration Study Update and Capacity Enhancement Program (MUCEP). Ang Franchise Planning and Monitoring Division ng LTFRB ang siyang nag -evaluate para sa kailangang karagdagang public land transportation services dahilnakitana may tumataasna passenger demand sa ilalim ng MUCEP area matapos ang kaukulang monitoring at ground validation na ginawa.
Kung kaya’t naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular 2022-083 kung saan nakalagay ang mga guidelines na naging epektibo noong Dec. 26.
“Under the guidelines, the new routes shall be opened to all interested applicants who have consolidated operations and have brand new units or have units that are compliant with the Omnibus Franchising Guidelines,” wika ng LTFRB. Ang deadline para sa submission ng mga dokumento ay nilagay ng 10 araw mula sa effectivity ng issuance.
Ang mga bagong bukas na bus ruta ay ang mga sumusunod: Antipolo-Mckinley Hill via FVR Road, C-5; Antipolo-Mckinley Hill via C-6; Mckinley Hill-Southwoods Mall Transport Terminal; Ayala-Southwoods Mall Transport Terminal; Alabang-Naic via Governor’s Drive at Cubao-Dasmarinas via Governor’s Drive.
Habang ang mga bagong ruta na binuksan para sa point-to-point bus service ay ang Ninoy Aquino International Airport-Alabang, NAIA-Cubao at NAIA-Ortigas central business district. LASACMAR
-
ABS-CBN, MediaQuest maghahati na sa shares ng TV5
INANUNSYO ng ABS-CBN at TV5 ang isang investment agreement para makuha ng Kapamilya Network ang 34.99% ang total voting at outstanding capital stock ng Kapatid Network sa aggregate subscription price na P2.16 bilyon. Nangyari ang partnership dalawang taon matapos mawala sa free TV ang Kapamilya Network sa pagkakapaso ng kanilang legislative franchise sa […]
-
Economic essential workers dapat mabakunahan din sa second quarter ng 2021
TINITINGNAN ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatawag na economic essential workers sa second quarter ng 2021. Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na ang mga economic frontliners ay kabilang din sa prayoridad ng gobyerno sa COVID-19 immunization drive. “Ang ginawa […]
-
Pinagbawalan din na ‘mmag-cellphone sa set: TESSIE, may sinitang young star na ‘di nagseseryoso
HININGAN namin ng reaksyon si Tessie Tomas na isa sa bida ng ’Senior Moments’ tungkol sa mga kabataang artista ngayon kumpara sa panahon nila noon. “Napakabigat ng mga tanong na yan ha,” tumatawang sagot ng aktres sa amin, “siyempre ang nakikita ko ay napaka-gadget conscious nila, their attention is very limited. “Therefore they […]